Chapter 114: Black 11's Leader

750 17 2
                                    

"Sa tingin mo ba hindi talaga kita nakita ng gabing iyon General?"
--

Lorde's POV

Mainit ang kapeng nakahanda sakin habang katalat si General sa isang maliit na bilog na lamesa.

"Ano bang binabalak mo General?"

Hindi siya nagsasalita at hindi ko rin mabasa ang mukha niya dahil sa gintong maskara niya.

Nakaramdam ako ng pagkainis sakaniya.

Dahil sakaniya ay hindi ko magawang magdesisyon kung kanino ko ibibigay ang tiwala ko.

Dahil ang kaligtasan ni mama ang nakasalalay dito.

Hindi ko napigil ang sarili ko na mapataas ang tono ng boses ko. "Kailan mo ba balak kumilos General?! Si Jiro! Alam kong nakita mo kung paano nanganib ang buhay ni Jiro! Sin--"

"Just continue thinking to where are you going to give your trust"

Hindi ko alam kung bakit sobrang galit ang naramdaman ko habang kasama ko siya.

"Sa tingin mo ba hindi talaga kita nakita ng gabing iyon General?!"

Madilim man at patay sindi ang ilaw ay kitang kita ko ang anggulo niya ng gabing iyon.

Kung paano niya isayaw si Ashe.

Bakit? Bakit niya ginawa yun?

"Alam kong may rason ka kung bakit mo ginawa yun"

Nakita kong nawalan ng malay si Ashe kaya sa tingin ko hindi lang ang isayaw si Ashe ang intensyon niya.

"I like her"

Malakas na kulog ang narinig ko sinbolismo na medyo nawala ako sa realidad ng marinig iyon.

Tila naman kami natapunan ng bomba ng dumating si Axl mula sa grupo ko dala ang isang balita.

"General! Lorde," paghabol nito sa hininga niya. "Wala ng pulso si Jiro"

Patay na ba siya?!

Hindi ko nakitaan ng pag aalala si General kaya naman agad ko siyang nilapitan para suntukin pero napaka alerto niya at napigilan ang kamay ko.

"Better go there now, Blue"

Hindi ako makahingang alam niya ang bagay na yun.

Si Aizen lang ang alam kong nakakilala sakin. Sino ka ba talaga General?!

Kahit hindi ko pa gustong umalis ay kumaripas na ako agad dahil sa tingin ko, kasalanan ko ang lahat kung vakit nangyari to kay Jiro.

Kc's POV

Walangyang Lorde yun natandaan pa pala niya lahat ng kalokohan ko nung high school. Di ko alam kung mahihiya ba ako o maiinis e.

Makalabas nga muna. Napagod ako sa mga kabaliwan ng eskwelahan na to e.

Teka? Si Cless ba yun? Bakit nandito sila?

Nagpalinga linga ako sa paligid at nakitang walang kahit sino ang nasa paligid at hindi naman nakagawi dito ang mga tingin nila.

"Mamamatay din si Jiro, sinubukan ko lang kung gumana talaga ang gamot na ginawa ko gamit ang dugo ni Yellow Green"

Mas lumapit pa ako ng kaunti para mas marinig sila. Mukhang seryoso nga ang usaping ito.

"Kaninong dugo ang makakagamot sa drug na yun?"

"Kay Yellow Green din Auntie. Medyo may komplikasyon pag di mo alam ang tamang elements dahil sa Zuctrus"

Natawa si mama pero may ibang laman ang pagtawang iyon.

"Bakit mo naman kailangang patayin si Jiro?"

Para ba pahinain si Ashe? Kung sakali baka nga pareho kami ng nasa isip ni mama. Kaya pala hindi siya natuwa sa ginawang yung ni Cless. Alam niyang nagpapakita ng kahinaan si Cless.

Tss.

"Dalawang araw nalang Auntie at wala ng palag satin ang GG"

"Hahahahaha! Talaga ba?" Bakit ganito ang tono ng pananalita ni mama? Parang may mali? "Sa tingin mo ba GG lang ang kalaban ng Masters Turner? Sa tingin mo ang mga may kapangyarihan dito ay papayag na magawa ng may gintong badge ang lahat? Cless, nanalo ka nga nung nakaraan. Malakas ka. Pero hindi sapat ang lakas mo para maging superior sa loob ng BEU at alam kong alam mo yan kaya natatakot ka pa rin"

Duwag pa rin pala siya. Alam niya na hindi pa sapat ang lahat ng meron siya para makalaya dito. Tanginang buhay.

"Basta ang alam ko Auntie, matatalo natin ang GG"

"Sila nga ba ang gusto mong talunin?"

"Auntie!" Napangiti ako ng tumaas ng boses ni Cless na mukhang hindi na rin nasisiyahan sa pag uusap nila ni mama.

"Kung mamamatay si Jiro, thanks to you. Ill gonna sleep. Maaga pa kami bukas"

Mamamatay si Jiro? Well, i dont even care about that bastard.

"Just wait Tita at exactly 5 pm tomorrow, Jiro is dead. We will say goodbye to the Brokers Leader"

Bukas? Pag namatay siya siguradong mababaliw nanaman si Ashe at mababalewala nanaman ang paghihirap ni Aizen sakaniya. Tangina!

Nababadtrip ako.

Umuwi ako ng dorm at hindi talaga nakatulog.

Binalik kami sa tig iisang dorm para makapaghanda palagi.

Nakakarinig ako ng patayan sa labas.

Pamilyar ang mga boses nila kaya naman napasilip ako sa bintana at nakita si Lorde na nakikipaglaban.

Sino bang kalaban niya?

Binuksan ko ang bintana ko para marinig ang usapan at narinig kong pangalan ko ang isinisigaw nila.

"Si Kc! Siya lang ang maaring gumawa nung kay Honeylyne!"

Psh.

Yung babaeng nakalaban ko nung nakaraan sa canteen.

Ano pa bang bago pag pinatay ko ang isa sa mga estudyante dito e yun nga ang tradisyon namin.

Nakita kong marami na ang tama ni Lorde kaya lumabas ako dala ang patalim na ibinigay sakin ni papa nung bata ako.

Pabagsak na si Lorde ng lumabas ako.

Mabuti nalang pala lumabas ako.

"Problema mo?" Tanong ko sabay palipad ng patalim papunta ss leeg niya at saka ko nilabanan ang iba.

Hindi naman pala sila ganun kahirap talunin. Pero bakit napuruhan ng ganito si Lorde?

Takang taka tuloy akong tinignan ang walang malay na si Lorde.

"Ashe," bulong niya.

Alam ko na. Alam niya na kaya niya ang mga yun pero pinigilan niya ang sarili niyang lumaban at pumatay.

Haha. Nakakatawang kagaguhan. Ang marahas na leader ng Black 11 noon ay nasa harap ko ngayon at nakahandusay na parang isang mahinang tao kahit isa naman talaga siyang malakas na uri ng halimaw.

Gusto ko ng matulog.

Maraming tumatakbo sa isip ko at baka kung ano pa ang magawa ko kung sakaling hindi pa ako matigil kakaisip.

Bago ako pumasok ay kinuha ko mula sa nag uumapaw na dugo ng lalaking iyon ang kutsilyo ko.

"Paghuhugasin mo pa ako ng dugo mo" bulong ko habang nangingisay siya don.

Pero hindi ko magawang pumasok na nakahiga si Lorde sa labas kaya naman inakay ko siya papasok sa loob.

"Hoy Lorde, dito kalang sa sala. Hindi ako nagpapasok ng lalaki maliban pag si Aizen ka"

Bakit ba ako nagpapaliwanag? Nababaliw nanaman ako.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon