"I am Kc Celestial. The SSC leader nominee number 10"
--
Umupo si Lady M sa tabi ng upuan nung lalaking may gintong maskara.
"Gusto ko naman ang ugaling yan"
Lahat sila ay pinag aaralan lang ako.
Alam kong hindi sapat ito para pagkatiwalaan nila ako, pero para kay Aizen papatunayan ko.
"So, you really know what are you entering?" Matalas na tanong ni Lady M.
"Oo. Alam ko. Alam ko na kung sakaling sabihin niyo na hindi pa gumigising ang taong pinagbigyan ni Aizen ng awtoridad para sa posisyon na iyon ay maghahanda ang lahat ng opisyal ng isang paligsahan na buhay namin ang itataya. Kung sino ang manalo, siya ang makakakuha ng posisyon at kung sakaling magising si Ashe, saka lang niya mahahawakan ang posisyon na iyon at,"
Ngumiti siya at napalunok nalang ako bago ko ituloy.
"At papatayin niya ang taong iyon para siya na mismo ang humawak ng posisyon"
"Alam mo pa lang ganun ang kahihinatnan mo, bakit mo ginusto?" Lady M, mula ng nawala si Aizen hindi ko na alam ang kahihinatnan ko.
"Kung iba ang hahawak nun, hindi ko masisigurong mababawi yun ni Ashe"
Sandali silang natahimik at tila pinag isipan pa ang alok ko. Pero, dahil sa tingin ko ay masasayang ang oras ay nagsalita na ako.
"Kung hindi ako magiging tapat, kahit anong oras pwede niyong kunin ang bu--"
"E paano kung dun sa paligsahan ka mamatay?" Ano bang nangyayari sa Jiro na to?! Kanina pa siya pabibo.
"Kakayanin ko. At alam kong kaya ko"
"Payag ako" mabilis na tumugon ang lalaking may gintong maskara at naging masaya naman ako sa sagot na iyon.
Hindi na sumagot pa ang iba pero tumango si Lady M.
Kilala ba niya kung sino ako? Alam ba nilang anak ako ng kalaban nila?
Matamlay akong bumalik kung nasan si Ashe.
Ashe, alam kong darating ang araw na kailangan mokong patayin para mabuhay ka. Kung sakaling di mo yun kayang gawin, ako ang gagawa nun para sayo.
Hindi ako natulog at nag isip ng maaaring paraan ng paligsahan ngayon.
Buong gabi akong nagsanay para maging handa.
--
Ang ibang miyembro ng GG ang nagbantay sa buong kwarto ni Ashe.
Kaninang umaga ipinaalam nila Lady M na hindi makakadalo si Ashe kaya naghudyat yun ng paligsahang ito.
Serva. Ililigtas ko ang posisyon na si Aizen lang ang may karapatan.
Bago ako dumating sa gitna ay isa isa akong binigyan ng paalala ng mga leader ng GG.
"Yung tablet na pinainom ko sayo, matutulungan ka nun para hindi ka mapagod agad" tinanguan ko lang si Yohann.
"Hoy pag namatay ka dito kasalanan mo. Pagaling"
"Pag nabuhay ako dito, patayin mo na sarili mo Jiro"
Hindi naman nagbigay ng salita si Lorde pero ako ang nag iwan sakaniya ng ilan.
"Lorde, mamatay o mabuhay ako dito, sa huli, papatayin rin kita"
Dumiretso na ko sa gitna at isa isa kaming nagpakilala. Sa dulo ako nagpunta dahil ayokong may kausap.
Isa rin pala si Kathleen dito. Ako ang pinakahuli at ako na ang magsasalita.
"I am Kc Celestial. The SSC nominee number 10"
Walang pumalakpak o sumigaw na kahit sino para sakin.
Tahimik lang na nagmasid ang GG pero wala dun ang lalaking may gintong maskara. Sino ba siya?
Kitang kita ko si Lady M at si Lady Q. Napangiti ako ng makita ang mukha niya.
Tinignan ko siya ng maigi
Lady Q, ano man ang magyari sakin wag mokong tulungan. Ako ang pumili nito.
Binigyan kaming lahat ng piring. At lahat kami ay makikipagpatayan. Ang maiwang buhay ang itatakdang panalo.
Habang nakapiring ay wala akong ibang makita kundi ang madilim na paligid.
Kasing dilim siguro ng naranasan ni Aizen. Kaya hindi ako papayag na mawalan ng saysay ang lahat ng iyon.
"All of the nominees should learn that defeating your enemies is not all about strength. Endurance is another key"
May sumugod sakin at alam kong napuruhan niya ang leeg ko at naramdaman ko ang pagbulwak ng likidong lasang kalawang sa bibig ko.
"You should know how to use your sights without your eyes"
Habang nakikinig sa nagsasalita ay pinakiramdaman ko ang paligid at naramdaman ang mga kamay nilang paparating kaya mabilis akong nakaiwas at nakagawa ng aksyon para mapigilan at mapatay sila.
Leeg lang ang pinupuntirya ko, dun ang pinaka epektibong pulso na mabilis kong makakapa.
Sampu lang kami. Nakarinig ako na patay na patay na ang pito. Tatlo nalang kami?
"As a leader, you should listen not only on mind and hearts but also to your pains and burdens"
Oo. Naririnig ko pa rin ngayon ang sakit na naramdaman ko ng mawala si Aizen. At yun ginagamit ko para makayanan ang lahat.
Dalawa nalang kami.
Hindi ko siya madama. Si Kathleen nga ba ang natitira.
Kung ganun, hindi maganda ito. Hindi ko alam kung sapat ang lakas ko at ang kakayanan ko para matalo ang taong to na nagmamay ari rin ng badge.
Mabilis ang pagkilos niya. Hangin lang ng paggalaw niya ang nararamdaman ko.
"Nice meeting you again, Kc" matindi ang emosyon na nararamdaman niya sa pagbulong niyang yun kaya agad akong napangiti.
"Aaah!!!" May tumamang kung ano sakin sa balakat at braso ko. Paano niya yun nagawa ng mabilisan?
Kung sakaling magpatuloy pa ang ganito, sigurado akong hindi magiging maganda ang kahihinatnan.
Naghihiyawan na ang mga tao at sa tingin ko ay nagdidiwang na ang ka alyansa ni Kathleen dahil ramdam ko na ang maiinit na dugo na umaagos mula sa balikat at braso ko.
Paano na?
Nang sinubukan kong kumilos para atakihin siya ay hindi ko maiangat ang kamay ko.
Kaya pala. Kaya pala sa braso at balikat. Naintindihan ko na. Para pipili nalang siya mamaya ng paraan kung paano niya ako papatayin.
"Kc, gusto ko pa sanang magkakilala tayo ng mas higit pa kaso mukhang dito ka nalang talaga"
Nakapiring pa rin kaya siya?
Malamang. Dahil hindi naman hahayaan ni Lady M na kalabanin ko siya ng lamang siya.
Hindi ako sumuko at inatake pa rin siya pero bumabalik sakin ang balak kong pag atake.
Huli na ng maramdaman kong dumudugo na ang leeg ko.
"Itigil na ang laban!"
Narinig ko ang boses ni mama. Sabi ko, wag niya akong tutulungan.
Dahil mas gusto ko pa ang mamatay kaysa ang mabuhay sa ganitong klaseng paraan.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
