I
NAGLALAKAD pa lang papasok sa campus ng Unibersidad si Nadine ay nakatanaw na agad ito sa may quadrangle. Ni hindi na nga nito napansin na sinisita na siya ng guwardiya sa may gate ng school dahil hindi pa niya isinusukbit sa leeg niya ang school I.D. Kung hindi pa siya dinunggol ng kaibigan niyang si Reema ay hindi pa niya ito mapapansin.
"Naku! Kaya pala parang wala ka sa sarili, e." Simulang pagbibiro sa kanya ni Reema nang mapansin nito kung sino ang tinatanaw ni Nadine sa may quadrangle ng University.
Agad namang pinamulahanan ng mga pisngi si Nadine.
Paano ba naman kasi kasalukuyang naglalakad ang mga kasali sa Falcon Crest basketball team na pambato ng University Of Saint Therese sa may quadrangle. At isa sa sa mga ito ang crush ni Nadine na si Archie na nagpapasikat pa sa mga kasamahan dahil dini-dribble nito ang hawak na bola habang naglalakad. At mukhang makakasalubong pa nina Nadine ang mga ito.
"Ano ka ba?! Baka may makarinig sa 'yo. Makarating pa sa kanya." Paaanas na paninita ni Nadine kay Reema.
"Mabuti nga na malaman na niya. Malay mo bigla kang ligawan." May pangkontra agad si Reema sa paninita ni Nadine.
Napailing na lang si Nadine at ikinompose ang sarili. Kunwari hindi niya pansin na makakasalubong nga nila si Archie pero ang totoo ay sobrang kaba na ang nararamdaman niya sa dibdib.
Si Archie naman sobrang ma-PR. Halos lahat ng makakasalubong ay niyaya na manuod ng try-out nila sa gym ng University. Lalo na pag mga babae ang nakakasalubong. Kinakantiyawan tuloy siya ng mga kasamahan. Narinig ni Nadine ang sabi ng isa, si Dennis na matalik na kaibigan ni Archie. "Pagka magandang bebot, nawawala hiya mong animal ka!"
"Syempre!" sabi naman ni Archie dito sabay lagay ng hinlalaki at hintuturo sa ilalim ng baba nito saka kumindat. Lihim namang napangiti si Nadine sa nakitang gesture kay Archie.
Napakamaloko talaga.
Sina Nadine naman ang hinarap ni Archie nang magkasalubungan na sila. Una nitong kinamayan si Reema.
"Baka naman may time kayo na manuod ng try-out namin sa gym mamaya. Around four. Para ma-inspire naman kami habang nagpa-practice."
Si Reema naman inalis agad ang pagkakakamay sa kanya ni Archie na parang allergic ito sa kanya. Inayos muna nito ang eyeglasses na suot na parang sinisipat si Archie bago sumagot.
"Naku, pasensiya na ha? Kailangan ko kasing mag-review. Next week na kasi yung semestral exam ko sa Marketing. Bakit di na lang si Nadine itong yayain mo." Sabay nguso sa katabing si Nadine.
Gulat na gulat naman si Nadine sa ginawa ng kaibigan. Pinandilatan niya ito ng mga mata. Pakiramdam niya kung may sakit lang siya na high blood ay baka nag-collapse na siya. At sa harap pa ni Archie.
"Ay ganun ba?" Parang nalungkot namang sabi ni Archie. Saka naman nito binalingan si Nadine.
Halos hindi naman makatingin ng diretso si Nadine kay Archie dahil pakiramdam niya ay parang tumatagos sa katawan niya ang titig ng crush.
"O, pa'no ba 'yan? Sabi ng friend mo, available ka raw?" Nakangiti na ngayon si Archie kay Nadine. At pagtingin niya sa mga kasamahan nito ay lahat nakatingin din sa kanya at naghihintay ng isasagot niya. Pakiramdam tuloy niya ay parang yelong ibinilad sa matinding sikat ng araw at unti-unting natutunaw. Literal na natutunaw!
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...