PABILING-BILING si Archie habang natutulog sa kuwarto niya. Paano ba naman napapanaginipan niya si Nadine. Kapareho rin ng eksena sa panaginip ni Gio, nakikita ni Archie si Nadine na papalapit sa kanya habang pinepedal ang bisikletang may nakadikit na ice cream cart. Nang makalapit na si Nadine, kumuha ito ng barquilos na apa at nilagyan ng scoops ng ice cream. Pero ang kaibahan sa panaginip ni Gio, nang sinimulang kainin ni Nadine ang ice cream sa cone ay may pagka-agresibo. Na parang kasali ito sa isang eating challenge na kailangan maubos agad ang ice cream scoops na nasa apa hanggang sa kumalat ang kinakaing ice cream sa kanyang bibig at ang ilan ay tumulo pa sa unipormeng suot nito.
Duon na nagising si Archie na habol ang hininga. Saglit siyang napatingin sa nakabukas niyang lampshade sa bedside table. At umiikot mula sa lampara ang iba't ibang hugis ng mga bilog na ilaw na nagbibigay ng ilusyon na pinalilibutan ang kuwarto ni Archie ng mga umiikot na mga bituin at planeta.
Nadako ang tingin ni Archie sa nakabukas na bintana sa kuwarto niya. Tumayo siya sa higaan at lumakad palapit sa bintana. Huminga ng malalim si Archie. Halatang gustong-gusto ang malamig na klima kapag ganitong madaling-araw na. Tiningala niya ang bilog na buwan sa langit. Hindi sinasadyang sumagi sa isip niya si Nadine. Bakit nga ba palaging okupado ni Nadine ang isip niya mula pagtulog hanggang paggising. May pinakain bang gayuma si Nadine sa kanya?
Wala na akong pakialam kung magalit ka pa sa akin, Nadine. Basta't gagawa ako ng paraan para magkausap tayong muli.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...