NASA bahay ulit ni Chuck ang members ng Sound Iskool para mag-practice ng mga songs na ipe-perform nila sa nalalapit na Halloween Ball ng Saint Therese. Kaya lang nawili sa paglalaro ng foosball sina Garry, Mikko at Lloyd.
Nakasimangot si Reema na nakaupo sa single sofa at nagbubutingting ng gitara habang pinapanuod ang mga ka-members na naglalaro. Panay pa sigaw ng mga ito sa tuwing papasok ang bola sa goal box.
Hindi na nakatiis si Reema. Tumayo na siya sa sofa at humilig pa sa bukana ng pintong nagkukunekta sa living room at game room kung saan naglalaro sina Garry. "Akala ko ba kaya tayo nagpunta dito kina Chuck para mag-practice? Maglalaro lang pala kayo, eh. Layasan ko kaya kayo." Naiinis nang sabi ni Reema.
"Sandali lang, Reems. Maaga pa naman. Saka wala pa naman si Chuck." Sabi naman ni Garry pero sa hawak na foosball rod nakatuon ang tingin.
"Sali ka na lang sa 'min. May puwesto pa for one player, oh!" Yaya naman ni Mikko.
"Kayo na lang." At tinalikuran ni Reema ang mga ito at naglakad pabalik sa sofang inuupuan kanina.
Tiyempong dumating na si Chuck dala ang malaking supot ng mga biniling isaw, betamax, barbecues, adidas at iba pa. "O ayan! Siguro naman solb na tayo dito."
"Pahingi na ako ng isa, ha?" Paalam ni Reema nang maayos na ni Chuck ang mga pinamiling pagkain sa malaking Corelle plate.
Tumigil sina Garry sa paglalaro nang makita ang dalang food ni Chuck. Lapit sila agad sa mesitang pinaglalagyan ng pagkain at isa-isang kumuha ng stick ng trip nilang kainin.
"Kung hindi pa dumating si Chuck na may dalang food hindi pa kayo titigil sa paglalaro." Inis pa ring sabi ni Reema sa mga kasama.
"Eto namang si Reems nagtatampo agad." Biro ni Garry na akmang aakbay pa kay Reema pero agad na lumayo ang dalaga.
"Subukan mong lumapit, Garry. Itutusok ko 'tong stick sa mata mo." Banta ni Reema na nakaturo pa ang stick ng kinakaing barbecue kay Garry.
"May nabubuong loveteam dito, Chuck oh!" Biro naman ni Lloyd habang sinasawsaw ang hawak na stick ng helmet sa sukang maanghang.
Pinanlisikan naman ng mga mata ni Reema si Lloyd.
Halos mabulunan si Chuck sa katatawa.
"Mga tropa." Sabi ni Mikko na nakatingin sa screen ng phone niya. "May bago na namang scandal na naka-upload sa Facebook group ng school natin."
Kaagad na lumapit ang mga lalaking ka-band member ni Reema kay Mikko at nakitingin rin sa screen ng phone nito. Si Reena na walang interes na makiusyoso ay kumuha na lang ulit ng stick ng barbecue na kakainin.
"Putcha! Si Gio 'yan, di ba?" Paninigurong tanong ni Lloyd. "Yung epal na naka-date nung kaibigan ni Reema."
"Siya 'yan." Pagkumpirma naman ni Garry. "Pero bakit siya may suot na handcuffs on both hands tapos may nakatali pang rope sa paa?"
"Nakababa pati 'yung boxers niya. Kita tuloy 'yung birdie niya na maliit at maitim." At sinundan pa iyon ng malakas na tawa ni Chuck.
Natigilan si Reema sa pagkain ng barbecue nang marinig ang usapan ng mga kasama. "Si Gio? Nakuhanan ng litrato nang nakahubad?"
"Gusto mong tingnan?" Tanong ni Mikko na hinarap pa ang screen ng phone hawak niya kay Reema.
Agad tinakpan ni Reema ng kamay ang mga mata niya na parang nasisilaw sa screen ng phone ni Mikko. "'Wag mo ngang ipakita sa akin 'yan! Baka magka-nightmare pa ako mamaya."
Natawa si Mikko at pinagdiskitahan naman nila ng mga kasamahan sa banda ang mga comments sa naka-upload na picture.
Pero si Reema hindi na magawang makakain at parang kinutuban kung sino ang nagpakana ng bagong scandalous post sa group page ng school nila.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...