NAABUTAN ni Mildred si Nadine sa kuwarto nito sa aktong sinasara ang maleta na dadalhin nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na gusto mo palang mag-stay sa Tito George mo?" Tanong ni Mildred habang lumalapit kay Nadine.
"Pag humingi ba ako ng permiso sa inyo, papayagan n'yo ba ako?" Seryosong tanong ni Nadine sa ina.
Hindi agad nakasagot si Mildred.
"Sabi ko na eh." Resigned na sabi ni Nadine saka binitbit ang maleta.
Akmang lalabas na ng pinto si Nadine ng pigilan siya ni Mildred.
"Paano ang schooling mo?" Nag-aalalang tanong nito.
"Kung hindi ako mahahatid ni Tito George, puwede naman akong mag-commute." Sagot ni Nadine.
Umaktong lalabas si Nadine pero pinigilan siya ulit ng ina. "Paano ang lifestyle ng Tito George mo?"
"Mama, kung big deal sa inyo ang pagiging gay ni Tito George, sa akin ho hindi." May galit na sa boses ni Nadine.
"Ang worry ko lang baka maimpluwesiyahan ka niya." Hindi na napigilan ilabas ni Mildred ang tunay na saloobin.
Hindi na sinagot ni Nadine ang ina. Tuloy-tuloy na itong lumabas ng kuwarto.
Si Mildred naman puno ng pag-aalala na sumunod agad sa anak.
Naabutan nila sa salas si George sa aktong kumakain ng slice ng cinnamon raisin bread na binake ni Mildred.
Tuwang-tuwa si George nang makita si Nadine na bumababa ng hagdan. Hindi nito napigilang yakapin ang pamangkin. "Hindi ko na-realize na dalagang-dalaga ka na pala. Ang ganda mo pa. Buti hindi mo namana 'yung genes ng Mama mo."
Pinalo ni Mildred sa balikat si George bilang ganti sa pang-aalaska nito. "Nanlait ka pa! Eh, kinain mo na nga 'yung binake kong tinapay nang walang permiso."
"Isang slice lang naman." Sagot ni George na isinubo na ang natitirang slice ng tinapay na kinakain nito. "Ang sarap ate ng raisin bread mo. Puwedeng magpagawa sa 'yo?"
Hindi pinansin ni Mildred ang kapatid at hinarap ulit si Nadine. "Hindi ka na ba talaga puwedeng pigilan?"
"Mama naman. Hindi ko naman po iistorbohin si Tito George kung hindi na ako decided." Paliwanag ni Nadine.
"Baka naman dahil lang ito nung nagalit ako sa 'yo nung nag-stay ka overnight sa..." Simula ni Mildred.
"Mama, please." Putol ni Nadine na ituloy ang sasabihin ng ina niya. "Ayoko nang pag-usapan 'yun. Kaya ko po naisipang mag-stay muna kina Tito George dahil gusto ko nang kalumutan lahat ng nangyari sa kin nung gabing hindi ako umuwi dito. Kailangan ko ng konting breather."
Tuluyan nang naiyak si Mildred. Sumama na nang tuluyan ang loob sa anak. "Bakit ka ba ganyan sa akin, Nadine? Ayaw mo nang mag-open up sa akin. Mas pinipili mo na ngayon ang ibang tao kesa sa akin."
Hindi napigilang hindi sumabad ni George. "Ate naman! Hindi naman ako ibang tao. Saka kinuha mo pa nga akong Ninong ni Nadine, di ba?"
Tiningnan lang siya ni Mildred pero hindi na tumugon. Tumuloy na lang ulit ito sa kusina at pilit ginawang abala ang sarili.
"I think we better go, Nadine. Kanina pa rush hour. Mata-trapik tayo lalo." Pagyayaya na ni George sa pamangkin.
Marahang tumango si Nadine. Sinulyapan saglit ang ina sa loob ng kusina at sinamahan na ang tiyuhin sa kotse nitong nakaparada sa labas.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...