"MAY ipapakita ako sa 'yo and I think you'll like it." Halata ang excitement na sabi ni Archie. Pinatay muna nito ang ilaw sa kuwarto saka ito lumapit mesitang malapit sa kama. Hinagilap nito ang switch ng lampara at nang lumiwanag ito ay pinalibutan ang buong kuwarto ng mga ilaw ng iba't ibang kulay na pulos korteng bilog. May mga ga-butil sa liit na parang mga kumikinang na tala, may mga katamtaman ang laki na parang mga buwan na lumulutang at mga malalaking bilog na parang mga planeta.
Halos hindi makapagsalita si Nadine sa nasasaksihang mga ilaw na umiikot sa paligid nila.
"Maganda ba?" Nakangiting tanong ni Archie.
Tango lang ang tugon ni Nadine na napahawak pa ang isang kamay sa pisngi, hindi mapigil ang mga matang sundan ang mga lumilibot na mga ilaw sa kuwarto.
"Let's play some mellow music to aid us in our sleep." Suhestiyon ulit ni Archie. Binuksan nito ang DVD player at sinimulang tumugtog ang kantang Fireflies ng Owl City.
Pumuwesto na ng higa si Archie sa comforter at nakangiting tumingin kay Nadine. "Goodnight, Nadine."
"Goodnight, Archie." Hindi mapigil ang kilig sa ngiting tugon naman ni Nadine.
Sabay silang humiga, nagkumot ng katawan at pumikit.
Sa may bintana ng kuwarto ni Archie matatanaw ang di normal na pagkilos ng mga sanga ng punong narra. Kaya pala'y umakyat pala duon sa puno si Gio at nangungunyapit sa mga sanga para sumilip sa loob ng kuwarto. At walang kahina-hinala ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...