NASA loob na ng opisina ni Dean Katigbak sina Archie at Gio. Nakaupo sila sa magkabilang panig ng mesa ng Dean. Parehong ayaw tingnan ang isa't isa. Si Dean Katigbak na halatang naiinip na sa dalawa ay pinagalaw ang Newton's pendulum na nasa mesa niya.
Hindi na rin nakatiis ang Dean sa pananahimik ng dalawa. "Ano 'to? Wala ba talagang magsasalita sa inyo? Magsasabi lang kayo ng 'sorry' sa isa't isa at mangako na hindi na ito mauulit, di nyo pa magawa. Na-miss ko na ang lunch ko dahil sa inyo."
"Why should I say sorry, Dean Katigbak?" Sagot ni Archie. "Siya itong nagpakalat ng video sa Internet at nagdala ng eskandalo sa buhay ko."
"Tumahimik ka nga, Archibald!" Pinanlisikan ni Gio ng mata si Archie. "Wala kang pruweba kaya wag kang mangbintang!"
Tiningnan na rin ni Archie ng masama si Gio. "I could hire an IT expert para ma-trace nila na ang IP address na ginamit mo sa pag-upload nung video ay galing sa 'yo!"
"Puro yabang lang ang alam mo! Gago!" Gigil na sagot ni Gio.
Muntik nang tumayo si Archie sa inuupuang bangko at sugurin si Gio. Napaatras naman ng bahagya si Gio sa upuan niya. Si Dean Katigbak ay napilitan nang magtaas ng boses.
"Your testing my patience, young men! Baka ipatawag ko na ang parents nyo. I'm only asking a simple gesture pinapa-complicate n'yo pang lalo." Pagbabanta na ng Dean.
Saka biglang bumukas ang pinto ng Dean's office. Makikitang pumapasok si Nadine hatid ni Aaron.
"Hintayin mo na lang ako sa labas." Sabi ni Nadine kay Aaron bago sinara ang pinto.
Parehong napatulala ng tingin sina Archie at Gio kay Nadine. Ang laki ng pinagbago nito. Malayong-malayo sa konserbatibong pananamit na nakasanayan nilang makita ito.
"Miss Remetrio, grab a chair and seat near my table please." Utos ni Dean Katigbak.
"Tatayo na lang po ako, Dean Katigbak, kung okay lang." Tahasang tanggi ni Nadine. Ayaw niyang tumabi kahit kanino kina Archie at Gio.
Napahinga na lang ng malalim ang Dean. "Very well. Kaya kita pinatawag gusto ko lang sanang kamustahin ka in lieu of what happened recently."
Lumipas ang ilang saglit bago nagsalita si Nadine. "Kung tungkol ho ito du'n sa video na kumalat online, I'd rather not talk about it. Mas gusto ko na lang kalimutan na lang ang lahat at mag-move on sa mga nangyari." Habang sinasabi ni Nadine ang huling pangungusap ay tuwid siyang tumingin kay Archie na nagbaba naman ng tingin.
Si Gio ay napatingin din sa reaksyon ni Archie at inis na napailing na lang.
Na-realize ni Dean ang pagkakamali niyang na-put on the spot niya si Nadine kaharap pa ang dalawang lalaki. "I'm sorry, Nadine. Dapat nag-set up muna ako ng one-on-one talk sa iyo pero nag-create kasi ng scene itong dalawa kanina and it needs immediate attention. Not to mention na ikaw pa ang pinag-aawayan ng dalawang ito."
Parehong nagbaba ng tingin sina Gio at Archie na parang napahiya.
"Okay lang naman po, Dean. In fact, natuto na akong mag-socialize and mag-interact with other people. I'm actually seeing someone right now."
Gulat na napatingin sina Gio at Archie sa statement ni Nadine.
"That is nice to hear, Nadine. Well, I won't keep you any longer. Kung kailangan mo ng counselling or if you need someone to talk to, my office is always open." Nakangiting sabi ni Dean Katigbak.
"Thank you, Dean Katigbak. Alis na po ako." At nagmamadaling lumabas na ng Dean's office si Nadine, natanaw pa nila si Aaron na naghihintay sa labas ng opisina bago sumara ang pinto.
Hininto ni Dean Katigbak ang gumagalaw na pendulum at tiningnan sina Archie at Dean. "O kayo? Anong gagawin ko sa inyong dalawa?"
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...