INAAYOS na ni Nadine ang hihigaan sa spare room sa condo ng tito niya ng pumasok si George sa loob ng kuwarto. Nakapantulog na rin ito at may hawak na malaking teddy bear.

Inabot ni George ang stuffed teddy bear kay Nadine. "Baka kase mamahay ka on your first night. Mabuti nang katabi mo na 'yan sa pagtulog."

Tuwang-tuwa naman niyakap ni Nadine ang malaking bear. "Salamat, Tito George."

Aktong lalabas na si George sa kuwarto nang tawagin ito ni Nadine. "Tito, sandali lang po."

Tumingin si George sa pamangkin at hinintay ang sasabihin nito.

"Tito, hihiling sana ulit ako ng pabor sa inyo." Sandaling tumahimik si Nadine at parang kumukuha ng buwelo. "Gusto ko kasing bumili ng mga bagong damit, pang-make up, mga accessories na rin. Para maiba na 'yung look ko. Sa school kasi, palagi nila akong sinasabihang mukha akong manang."

Umupo si George sa tabi ni Nadine sa kama bago muling nagsalita. "So, you want to have a make-over."

"Something like that, Tito." Nahihiyang sabi ni Nadine. "Pero don't worry po sa magagastos. I'll pay you back. Kahit mag-part time ako as service crew sa McDo..."

"Ano ka ba? Hindi mo na kailangang gawin 'yan." Saway ni George sa sasabihin pa ni Nadine. "Pamangkin naman kita eh. Ganito na lang," Tumahimik saglit si George para mag-isip. "Sabado naman bukas at wala kang pasok, sumama ka na lang sa akin sa opisina. Ipakilala kita sa in-house stylist namin para matulungan ka sa pag-make over sa 'yo."

"Talaga, Tito? Salamat ng marami." Nayakap pa ni Nadine ang tito niya sa sobrang tuwa.

"Your welcome. Pero promise me, huwag mong pabayaan ang studies mo while you're staying with me. Baka lalong magalit sa akin at ipakulam na ako ng Mama mo pag biglang bumaba mga grades mo." Sabi naman ni George sa pamangkin.

"Don't worry, Tito. Dala ko naman 'yung iba kong mga school things and the rest nasa locker ko po." Tugon ni Nadine habang kumakalas sa yakap sa Tito George niya.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon