Nasa loob ngayon ng condo ni Cyndi si Archie. Medyo kabado ito pero panigurado naman siyang matutuwa ang girlfriend sa inihanda niyang sorpresa para dito. Nakahubad-baro siya kanina at pajama pants lang ang suot (kasama iyon sa sorpresa niya) pero hindi niya matagalan ang lamig na ibinubuga ng centralized airconditioning sa condo kaya nagsuot muna siya ng roba.

Buti na lang at hindi pa naisipang baguhin ni Cyndi ang susi ng unit niya kaya nagamit pa ni Archie ang duplikadong susi na nasa kanya at naisagawa niya ang sorpresa para kay Cyndi. Pero kanina pa siya naghihintay, pasado alas sais na. Ang paalam sa kanya ng girlfriend ay bandang ala singko y media ay nasa condo na ito dahil sasamahan lang nito ang kaibigan lesbian na si Riz sa pagbili ng regalo para sa birthday naman ng nobya nito.

Saan pa kaya nagsuot ang dalawang iyon? Lalamig na yung pagkain na hinanda ko. Hindi na maiwasang mainip ni Archie habang tinitingnan ang pinaghirapan niyang lutuin na sunny-side up na egg, bacon, frankfurters at buttered fried rice na may chopped chives.

Sa wakas, narinig na niya ang pagkalansing ng susi habang binubuksan ang kandado ng main door ng unit, palatandaan na dumating na si Cyndi. Kaagad na nilagay na ang isang card sa bibig ni Oreo at halos itulak niya ito papunta sa receiving area para makita ito agad ni Cyndi pagkapasok ng unit. Nang masigurong nasa tamang posisyon na si Oreo, ay bumalik ulit siya sa loob ng kuwarto at tinaggal ang suot-suot na roba.

Narinig niya na napasinghap ni Cyndi pagkapasok nito sa unit niya. Sinadya niya kasing patayin ang lahat ng ilaw sa condo, ang nagsisilbing ilaw ay ang ilang lampshade na meron si Cyndi at ang napakaraming scented candles na ikinalat ni Archie sa paligid ng unit ng girlfriend. Malamang napansin na rin ni Cyndi ang nakakalat na mga talulot ng rosas na isinaboy niya sa kabuuan ng unit.

Pero habang isinasaboy niya ang mga rose petals sa paligid ng condo ni Cyndi kanina ay hindi niya maiwasang isipin ang naging panaginip niya nung nakaraang gabi, lalo na ang imahe ni Nadine na walang saplot habang unti-unti siyang inilalabas ng pagbuka ng mga talulot ng higanteng rosas. Pero agad niyang pinalis ang imaheng iyon at pinagalitan ang sarili. Walang mabuting idudulot sa relasyon niya kay Cyndi kung palagi niyang iisipin ang mapanuksong panaginip na iyon.

Nakita ni Archie mula sa nakaawang na pintuan ng kuwarto ang pagkuha ni Cyndi sa card na nasa bibig ni Oreo. Ang isinulat niya sa card: I'm sorry. Will you forgive me?

Hindi siya mahilig magsulat ng mga love notes at love letters. Kaya todong pakitang-gilas na ang ilang salitang isinulat niya sa card. Sa nakikita naman niyang reaksiyon ni Cyndi habang binabasa (o tinititigan) ang card ay mukhang hindi siya mapapahiya.

Nang mag-angat ng mukha si Cyndi mula sa pagtingin sa card ay sa kanya agad ito diretsong napatingin. Bigla siyang nanginig at muntik nang mawala sa balanse ang hawak niyang tray na kinalalagyan ng niluto niyang pagkain. Hindi niya alam kung dahil giniginaw na naman siya o dahil nakita niyang bahagyang basa ang mga mata ni Cyndi mula sa pagbasa ng card niya.

Nagpahid muna ng mata si Cyndi at nakangiting lumakad papasok sa kuwarto. Gumanti naman siya ng ngiti sa girlfriend.

"Bon appétit!" Masiglang sabi niya sabay lapit ng tray na hawak kay Cyndi na may nakapatong pang plorera na sinuksukan niya ng long-stemmed rose. "I made this myself!"

"Obvious nga eh." Nakangiti pa ring sabi ni Cyndi habang sinusundot ang bahagyang sunog na itlog gamit ang tinidor.

"Its blood, sweat and tears, babe." Sinadya ni Archie na medyo gawing husky ang tono ng boses.

Matagal muna siyang tinitigan sa mata ni Cyndi bago nagsalita. "You never cease to amaze me, Archie. And I should be hurling things at you for making me look stupid the last time I'm at your house."

"Does that mean I'm forgiven?" Sinadyang paamuin ni Archie ang mukha.

Kinuha ni Cyndi ang hawak na tray ni Archie at inilagay iyon sa isang low centrepiece. Saka nito niyakap ang nobyo at buong pagmamahal at pagnanasa na hinalikan ito sa labi. Buong pagpapaubayang tinugon naman iyon ni Archie.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay humihingal si Cyndi. "I love you so much..." Paanas nitong sabi.

Napangiti naman si Archie. Tagumpay siyang nakuha ulit ang loob ng nobya. Hinalikan niya ulit ang mga labi ni Cyndi saka ito pinangko patungo sa kama nito. Nangiti si Cyndi na mapansing may nakakalat ding talulot ng bulaklak sa bedsheet ng kama niya.

"This is just too much, Babe." Hindi pa rin makapaniwala si Cyndi sa sorpresang hinanda niya habang sinasalat nito ang mga talulot ng rosas na nakakalat sa kama. Natawa na lang si Archie.

Nagsisimula na silang magtanggal nang damit nang maalala ni Archie ang pagkaing inihanda niya. "Babe, paano 'yung food? It will get cold."

"Don't worry about trivial things, Babe. Right now, I just want you"

At hindi na nakatanggi si Archie nang maghinang na ang kanilang mga katawan. At pansamantalang nakalimutan ang imahe ni Nadine na lumalabas sa talulot ng higanteng rosas.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon