NAGSISIMULA nang pumatak ang ulan kaya tumatakbo na si Reema pabalik sa opisina ng Music Club sa eskuwelahan. Isinukob nito ang dalang binder habang tumatakbo. Marami-rami ring mga estudyante siyang nadaanan na tumatakbo rin dahil walang panangga sa ulan o di kaya kampante naglalakad dahil may mga suot na kapote or may gamit na payong.

Nang makapasok sa loob ng opisina ng club ay kaagad na lumapit si Reema sa kulumpon ng mga ka-banda niya. Nakapalibot ang mga ito sa isa sa mga band member niya sa Sound Iskool, ang drummer nilang si Mikko, na siyang tinext ni Garry sa kanyang nakasagap ng tungkol sa kumakalat na scandal video. May bina-browse ito ngayon sa hawak na iPhone 4s.

"Reems, may binili kaming isang bucket ng KFC chicken. Kumain ka muna." Sabi sa kanya ng drummer nilang si Chuck habang nginangasab ang hawak na thigh part ng chicken.

"Thanks, Chuck. Kakain ko lang eh." Sabi ni Reema saka dumiretso kay Mikko at tiningnan ang bina-browse nito sa phone. "Napanuod n'yo na?"

"Hindi pa. Kadadala lang dito ng girlfriend ko nitong phone ko. Pinakuha ko sa locker tapos dinala niya dito bago siya tumuloy sa klase niya. Hindi ko lang sigurado kung paano ise-search sa porn site 'yung video." Parang napu-frustrate na sabi ni Mikko.

"Try mo ilagay 'Saint Therese Scandal'." Suhestiyon ng keyboardist nilang si Lloyd.

Sumunod naman si Mikko at kaagad tiningnan ang search results. "Mukhang eto na nga yung hinahanap natin, a."Pinindot nito ang unang video lumabas at hinintay mag-load ito sa screen ng phone.

"May nag-text sa akin." Sabi naman ni Garry habang ginagamit nito ang sariling Samsung phone na may QWERTY keyboard. "'Yung kaklase kong si Gabo sa Marketing Class. Meron din daw nag-upload ng kaparehong video sa Saint Therese Facebook group. Midnight Stalker daw pangalan nung nag-upload."

"Oo nga! Meron nga!" Sang-ayon naman ni Chuck sabay pakita pa ng screen ng Nokia Lumia phone niya kung saan in-access din niya ang Facebook group page ng kanilang school. Hawak pa rin ni Chuck ang kinakain thigh part ng manok.

Pero nakatuon ang tingin ni Reema sa phone na hawak ni Mikko dahil tapos nang mag-buffer ng video sa screen at nagsimula na itong mag-play.

Medyo shaky ang kuha pero kitang-kita ang loob ng isang kuwarto tinatanaw mula sa bintana. Maliwanag din makikita ang loob ng kuwarto dahil sa mga maliit na bilog na ilaw na umiikot-ikot sa kuwarto mula sa lampshade. Makikita sa video ang isang lalaki na himbing na nakahiga sa comforter.

"Teka lang! Di ba si Archibald ito? O, baka mali lang ako ng tingin?" Tanong ni Mikko sa kanila na parang naniniguro.

"Si Archie nga 'yan, pare. Kamukha ko eh." Pagsang-ayon naman ni Lloyd. "Tangina. Ano kaya ito?"

Hindi naman makapagsalita si Reema. Parang may nakabara sa lalamunan nito. Kahit hindi na siya tumingin sa video, parang alam na niya ang kasunod na mangyayari.

At nakita na nilang gumagapang si Nadine papunta sa sahig na hinihigaan ni Archie. Ang paghaplos ni Nadine sa mga labi ni Archie. Ang naalimpungatang paggising ni Archie at nagulat na katabi na pala nito si Nadine sa sahig. Ang paghalik ni Nadine kay Archie. Ang pagpigil ni Archie sa halik ni Nadine pero kalaunan ay di na rin napigilan ang sarili at siya naman ang humalik sa dalaga. Ang pagtatanggal nila ng mga saplot. At ang kanilang maluwalhating pagniniig. Lahat ito nakuha sa pauga-ugang video footage pero malinaw pa rin makikilanlan ang dalawa.

"Ang ganda naman ng babaing yan." Amazed na sabi ni Lloyd habang pinapanuod ang video. "Taga-Saint Therese din ba 'yan?"

"Saglit lang.'Di ba, Reema, kaibigan mo 'tong girl sa video?" Bumaling si Mikko kay Reema. "Palagi ko 'tong nakikitang kasama mo...?" Natigil sa pagsasalita si Mikko nang mapansing umiiyak si Reema habang nakatingin pa rin sa patuloy na nagpe-play na video.

"Are you okay, Reems?" Nag-aalalang tanong ni Garry sa kanya.

Gamit ang kamay, pinahid ni Reema ang luha sa mga mata nito. "Kailangan masabihan ko kaagad ang kaibigan ko."

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon