KATATAPOS lang mag-practice ng Falcon Crest sa campus court ng Saint Therese at isa-isa na silang nagpupunta sa dugout para mag-freshen up. Dahil likas na malinis sa katawan, itinuloy na rin ni Archie ang pagsa-shower habang nasa dugout. Nang lumabas siya sa shower cubicle na may nakatabing na tuwalya sa katawan at tinutuyo ng dalang bimpo ang basang buhok, nakita niya ang mga kabarkada na busing-busy habang nakaupo sa mahabang stool. Hawak ni Kurt ang phone niya na may kung anong tinitingnan habang nakikiusyoso naman sina Nathan at Dennis.

"Anong tinitingnan n'yo d'yan? Porn ba 'yan?" Nakangising tanong ni Archie habang binubuksan ang locker para kumuha ng pamalit na damit.

"Picture ng mortal enemy mo, Archie." Sabi ni Nathan na saglit pang tumingin sa kaibigan.

"Ha?" Kunot-noong tanong ni Archie habang sinusuot ang puting T-shirt.

"Pakita mo, P're. Para magka-nightmare itong kaibigan natin." Nakatawang sabi ni Dennis kay Kurt.

Inilapit ni Kurt ang screen ng phone kung saan nakatayo si Archie. Napahakbang palayo si Archie nang makita sa screen ang picture ni Gio na naka-spray eagle na nakahiga sa kama, naka-handcuffs ang dalawang kamay sa railing ng headboard ng hinihigaang kama, nakagapos ng rope ang dalawang paa at nakalilis ang boxer briefs nito.

"Tangina." Mahinang sabi ni Archie habang nakatingin sa phone na hawak ni Kurt. "Sa'n yan galing?"

"Di ko alam. May nag-upload lang sa Saint Therese Facebook group. Midnight Damsel 'yung pangalan ng uploader." Sabi ni Kurt na tinitingnan ulit ang screen ng phone.

"Sa Saint Therese Facebook group na naman?" Gulat na tanong ni Archie.

"Apparently. Baka ipa-shut down na ni Dean Katigbak 'yang Facebook page na 'yan pag nagkataon." Sabi ni Dennis na nakikitingin na naman sa phone ni Kurt.

"Sino kayang nag-upload n'yan?" Tanong ni Archie habang naglalagay ng cologne.

Napatingin ang tatlo kay Archie.

Nahulaan agad ni Archie ang naglalaro sa isip ng mga kabarkada. "Mga asshole! Ba't ko pipicturan ng hubad 'yang gagong yan? Papakamatay na lang ako." Sita ni Archie sa mga kaibigan.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon