UNTI-UNTING idinilat ni Nadine ang mga mata niya. Nagising siya sa sinag ng araw na tumatagos sa mga dahon ng punong narra nasa tapat ng bukas na bintana ng kuwarto.
Kakaiba ang napanigip niya. Pareho daw silang nasa beach ni Archie at nagsa-sunbathing. Nagbabasa siya ng thriller habang si Archie naman ay umiinom ng piña colada. Ang maalon na dagat na kulay luntian ay nasa kanilang harapan. Marami-raming tao rin ang nasa dalampasigan. Mga magbabarkada. Mga pamilya. May iilang nagsu-surf, nagje-jet ski o di kaya ay gumagawa ng palasyong yari sa buhangin. Tinanggal ni Archie ang suot na shades at tumingin sa kanya. Itiniklop naman ni Nadine ang binabasang libro at tumingin din kay Archie. Nagkangitian at inilapit pareho ang kanilang mukha para dulutan ang isa't-isa ng isang matamis na halik.
Sa maalong dagat isang motorboat ang paparating. Sakay nito ni Gio at galit na galit na nakatingin sa kanila. Saka nito inangat ang kanang kamay may hawak na baril. Iniumang sa kanila ni Archie saka nagpakawala ng mga putok. Duon na siya nagising dulot ng liwanag ng araw na tumatama sa mga talukap ng mga mata niya.
Noong una ay naninibago pa siya sa paligid. Hindi ito ang kuwarto niya. Saka niya napansin na sa comforter siya nakahiga nang may katabi at mahinang humihilik. Hindi niya napigilan mapangiti. Bakit nga ba kahit natutulog ay kay guwapo nitong lalaking ito?
Hindi pala ako dapat nag-alinlangan sa iyo, Mahal Na Ina. Tinupad mo ang hiniling ko sa iyo. Kapiling ko na ngayon ang taong pinakatatangi ko.
Dahan-dahang bumangon sa hinihigaan si Nadine. Pinatay ang lampshade sa mesita nagpapakawala pa rin ng mga bilog na liwanag saka niya pinutahan ang bugkos na mga pinaghubarang damit para magsimulang magbihis. Nasuot na niya ang laced panties at brasserie niya nang magising si Archie. Napansin siguro nitong wala siya sa tabi nito.
"Nauna ka pang nagising sa akin." Pakunwaring nagtatampong sabi nito pero nakangiti kay Nadine.
"Grabe ka palang mag-snore pag tulog ka." Nakangiting sabi ni Nadine. Hindi na siya nahihiya kahit bra at panty lang ang suot niya habang kausap ang binata.
"Lapit ka naman dito." Inangat pa ni Archie ang isang kamay habang iminomosyon sa dalaga na lumapit sa kanya.
Nagpaunlak naman si Nadine. Patalon itong lumapit kay Archie at siniil ang mga labi nito ng halik.
"Any regrets because of what happened between us?" Masuyong tanong ni Archie matapos siyang halikan ni Nadine.
Maharang umiling si Nadine. "Ano naman ang dapat kong ika-regret? Eh, ang saya-saya ko kaya ngayon."
Si Archie naman ngayon ang sumiil ng halik kay Nadine.
Biglang namang tumunog ang cellphone ni Archie. Bantulot ang binatang kumalas kay Nadine. "Ang aga namang istorbo nito!"
Sinuot muna ni Archie ang boxer shorts na sa kasamang niyang hunubad na damit kagabi bago kinuha ang Blackberry Curve na nakapatong sa mesita. Nakita niya agad sa screen ang numero ni Riz, ang butch na friend ni Cyndi ang tumatawag sa kanya.
"Yo! Riz!" Bati ni Archie nang sagutin ang tawag. Pinapanuod naman siya ni Nadine habang patuloy nitong sinusuot ang iba pang hinubad na damit.
"Archie, huwag kang mabibigla. But you have to go to The Medical City right now. Ise-send ko na lang sa 'yo via BBM yung room number. Naghahanap pa ako ng puwesto sa parking. Baka mali pa ang maibigay ko sa 'yo by phone." May urgency sa boses ni Riz.
Kumunot naman ang noo ni Archie. "Wait. Sinong na-hospitalized?" Pero unti-unting bumakas sa mukha ni Archie ang realisasyon. "Riz, you're not saying..."
"Yes. It's Cyndi." Hindi na siya pinatapos magsalita ni Riz. "Dinala siya dito last night. She tried to kill herself, Archie. Naglaslas siya ng pulso. Luckily, nakita agad siya ng brother niyang si Tom. You better be here quick, my man. Or else pati ako magagalit din sa 'yo." At pinutol na ni Riz ang tawag niya.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...