NAPANSIN ni Mildred na hindi pa ginagalaw ni Nadine ang almusal na nakahain sa harap niya. Paminsan-minsan lang siyang umiinom ng tiniplang kape habang kunwaring nagbabasa ng eBook sa kanyang Kindle. Pero ang totoo, iniiwasan lang niyang tumingin sa ina at baka mapansin nito na malamlam ang kanyang hitsura. Baka usisain pa siya nito lalo.

"Hindi mo pa nababawasan 'yang almusal mo. Tigilan mo muna kase 'yang gadget na iyan."

Tinurn-off na ni Nadine ang Kindle. Inubos na rin niya ang lamang kape sa mug niya. Isinukbit ang dadalhing bag saka sinimulang balutin ang dapat na kakaining almusal. "Bauinin ko na lang ito sa school, Ma. Baka ma-late kasi ako."

Inilagay ni Nadine sa bag ang nabalot na pagkain, kasama ang Kindle device at nagmamadali nang umalis ng bahay.

Sinundan lang siya ng tingin ni Mildred. Halata ang pag-aalala sa mukha.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon