SAKAY na nang taxi si Nadine at binabagtas nila ang Makati Avenue papunta sa condo ng Tito George niya sa Taguig nang biglang tinawagan na siya ng tito niya sa kanyang phone.

"Nadine, dito ka ba sa condo matutulog o sa kaibigan mo? 'Di ba may pasok ka pa mamaya?" Tanong agad ni George nang sagutin ni Nadine ang phone.

"Pauwi na ako, Tito. Sorry, di ko napansin ang oras. Saka late naman 'yung schedule ko sa school kaya may time pa akong matulog." Isplika naman ni Nadine.

"Alright. Ikaw, ha? Mas party animal ka na kesa sa akin ngayon. Ingat sa biyahe. Text me pag malapit ka na sa condo." At ibinaba na ni George ang tawag.

Nag-check naman si Nadine ng mga text messages. Isa sa nag-text sa kanya si Reema.

"After ur class tomorrow, can we meet? Need 2 talk 2 u." Sabi nito sa text.

Nag-reply naman ng "OK" si Nadine.

Matapos ma-send ang text kaagad nag-reply si Reema: "Why gising k p?"

Natawa muna si Nadine bago sumagot sa text: "Went clubbing. OTW home na rin."

Hindi na sumagot si Reema matapos ma-send ni Nadine ang kanyang reply.

Saka biglang bumuhos ang malakas na ulan at kinuntento na lang ni Nadine ang sarili sa pagtingin sa nadadaanan ng taxi pero pinalabo dahil sa tubig ulang bumubuhos sa bintana.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon