NASA loob ng opisina ng Music Club si Reema. Down time ng kanilang practice ngayon kaya naka-upo siya sa isang stool habang nagche-check ng kanyang newsfeed sa Facebook. 'Yung mga kasamahan naman niya sa Sound Iskool ay kanya-kanya ng butingting ng mga instrumento. Ang iba naman ay nakikinig sa dalang iPod.

Tiyempong nakita ni Reema ang uploaded picture ni Nadine na kasama si Aaron sa bar. Nakaakbay pa ang lalaki sa kanya.

"Ang ganda naman nyan. Sino 'yan? Pakilala mo ako." Sabi ni Garry na nasa tabi na pala niya at nakikiusyoso sa tinintingnan niya sa kanyang phone.

Inismiran siya ni Reema. "Si Nadine lang 'yan."

"Si Nadine?" Pag-uulit ni Garry. "'Yung friend mo? Bakit parang ibang-iba hitsura sa picture? Akala ko nga artista eh."

Bumuntong-hininga muna si Reema bago sumagot. "Hindi ko rin alam."

"Uy! Mga tropa! May video na namang kumakalat. Kaka-share lang ng kaibigan ko sa Facebook thirty minutes ago." Tawag sa kanila ng drummer nilang si Mikko na nakaupo pa sa gitna ng Yamaha drums na gamit nito sa pagpa-practice.

Lapitan naman ang mga band members ng Sound Iskool sa puwesto ni Mikko, kasama si Reema.

At nakita nila sa screen ng phone ni Mikko ang amateur video ng eksenang nakaibabaw si Archie kay Gio at sinusuntok ito sa mukha sa harap ng school cafeteria hanggang sa maawat ito ng mga guwardiya.

"Bakit ba sila umabot sa ganyan?" Tanong ni Garry.

"Ang sabi-sabi, pinaghihinalaan daw ni Archie 'yang si Gio na nag-upload nung video nilang dalawa ni Nadine." Isplika ni Lloyd.

"Kung totoo 'yun, if I were Archie hindi lang 'yan ang aabutin sa akin ni Gio. Baka malumpo pa 'yan sa 'kin." Sabi naman ni Chuck na kumakain ng quarter pounder hamburger habang nakikinuod din.

Biglang may kumatok sa pinto. Pagtingin nila ay nakatayo sa may pintuan ang Dean ng school na si Dean Renata Katigbak. "Reema, can I talk to you. Saglit lang."

Lumapit agad si Reema sa may pintuan. Si Garry naman agad sinabihan si Mikko na i-exit muna ang pinanunuod na video sa phone at baka masita ng dean. Pero di ito nalingid kay Dean Katigbak.

"Naku! Huwag n'yo nang itago. Napanuod ko na rin 'yan. Nasa opisina ko na 'yung mga persons involved." Sabi ng Dean sa mga band members ng Sound Iskool habang lumalapit dito si Reema.

"Reema, tanong ko lang sa 'yo kung nakita mo 'yung friend mo. Si Nadine Remetrio." Sabi naman ng Dean kay Reema nang makalapit na ito.

"Ang alam ko po, Dean, nasa art class siya ngayon ni Professor Hernandez." Tugon naman ni Reema.

"Nanggaling na ako dun. Apparently, she didn't attend Professor Hernandez art class. Baka alam mo kung nasaan siya. Kung alam mo 'yung cell number niya, could you call her and tell na pumunta agad sa opisina ko?" Pakiusap ni Dean Katigbak.

"Tungkol po ba ito du'n sa kumalat na video last time, Dean Katigbak?" Tanong naman ni Reema.

"I'd rather discuss the issue in private with Miss Remetrio. Please find her and tell her to visit my office." Ulit na pakiusap ng dean bago lumakad paalis.

Kaagad kinuha ni Reema ang phone at tinawagan ang number ng kaibigan pero nag-ring lang ito ng nag-ring haggang sa pumasok ang unattended recording spiel ng network provider.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon