MALAKAS na ang buhos ng ulan na sinasabayan pa ng nanggagalit na mga kidlat at kulog nang dumating sila sa bahay ni Dennis sa White Plains. Pagka-park ng kotse, patakbong pumasok ng bahay sina Cyndi at Archie hawak ang mga pinamiling pagkain.

"We made it!" Sigaw ni Cyndi pagkapasok sa loob ng bahay.

"Woohoo!" Sigaw din ni Archie sabay angat ng hawak niyang mga boxes ng pizzas.

Napatingin sa kanila ang ibang Falcon Crest team members na naunang dumating sa bahay ni Dennis sa ingay na ginawa nila.

"Have you heard? May kumakalat daw na Saint Therese scandal." Sabi sa kanila ni Nathan nang nilingon sila.

"May na-receive akong notification sa Facebook pero ang bagal ng data ko eh. Ayaw mag-play ng video sa phone ko." Sabi ni Cyndi habang nilalapag sa mesa ang hawak niyang plastic ng Mojos at chicken.

"Ano ba 'yan? Sa mismong campus ng Saint Therese nangyari or mga Saint Therese students lang ang involve but the deed was actually done elsewhere?" Tanong ni Archie.

"We will soon find out, my man. With Dennis my boy over here bringing in his sleek laptop for our full HD viewing pleasure." Sabi ni Nathan sabay masahe pa sa mga balikat ni Dennis habang sine-set up nito ang Vaio laptop na gamit.

"Baliw 'to!" Sabi naman ni Dennis habang iiniwas niya ang mga balikat sa hawak ni Nathan.

"Saka na natin panuorin 'yan. Shot na tayo. Alak na alak na ako!" Tawag sa kanila ng isa sa mga shooting guards ng team, si Kurt na nilalagay na sa ibabaw ng mesa ang mga bote ng brandy, beers at pang-chaser na gagamitin nila.

"Tingnan muna natin ito Baka kilala ko pa 'yung nasa video." Sabi ni Cyndi habang lumalapit sa laptop ni Dennis na nag-pa-power on na. May hawak na rin ito ng isang slice ng pizza at kumakain na rin.

Kumuha na rin ng slice ng pizza si Archie at kumakain na rin habang pinapanuod ang pag-access ni Dennis sa Saint Therese Facebook page at hanapin ang video na in-upload ni Nightmare Stalker.

Nang makita ni Dennis ang uploaded video sadyang minaximize pa nito sa screen bago i-push ang play.

"Sana maganda 'yung chicks." Nabanggit pa ni Dennis habang nagba-buffer pa ang video.

"Certified Mister Manyak!" Sabi dito ni Nathan na tumawa pa ng malakas.

"Shhhh...!" Saway ni Cyndi kay Nathan nang tumigil na sa pag-buffer at magsimula na ang actual video.

Mauga ang unang kuha hanggang sa mag-focus ang video sa bintanang nakabukas sa kuwarto ni Archie at kita agad ang binatang himbing na natutulog sa comforter sa sahig. Pinalilibutan ang kuwarto ng hugis bilog na mga ilaw sa iba't ibang kulay.

Nanlaki ang mga mata ni Archie. "Wait. That is my..."

"...Your room." Si Cyndi ang nagtuloy ng sasabihin ni Archie. Kaagad nag-iba ang hitsura at seryosong-seryoso na itong nakatingin sa nagpe-play na video.

Napahawak sa mukha at nangalumbaba naman si Dennis. Hindi malaman kung dapat ba niyang ihinto na lang ang video at i-shut down ang laptop.

"Fake naman yata 'yan, Dennis. Itigil mo na lang. Inom na lang tayo." Sabi naman ni Nathan.

Susunod sana si Dennis pero nagprotesta agad si Cyndi.

"Nooo! 'Wag n'yong itigil. I want to see everything." Naluluha na ngayon si Cyndi na nakatingin sa video.

Si Archie hindi na nagawang kainin ang hawak na pizza. Nakapako lang ang tingin sa nagpe-play na video sa laptop ni Dennis.

At sa maugang kuha sa video, nakita nila ang lahat ang mga sumunod na pangyayari. Ang paggapang na pagbaba mula sa kama patungo sa sahig. Mga maririing mga halik. Ang pagtatanggal ng mga damit. Ang pagniniig ng mga katawan.

Tumingin si Archie kay Cyndi at nakita niyang basang-basa na ng luha ang mga pisngi nito.

"Cyndi, I'm..."

Pero hindi na siya pinatapos ni Cyndi. Marahas na pinahid ng babae ang hawak na pizza slice sa suot na damit ni Archie. "Shove your sorry back to your ass! You pig!" Saka ito nagtatakbong lumabas.

Kaagad naman itong sinundan ni Archie. "Cyndi! Wait, please!"

Tahimik lang na napasunod sa kanila ng tingin ang iba. Si Dennis naman larawan ng pagsisisi ang mukha na isinut-down na ang laptop. Kung puwede lang niyang ibalik ang nakaraang sandali at hindi na lang nila pinanuod ang nakakagulat na video.

Sa labas, tuloy pa rin ang pagbasak ng napakalakas na ulan na sinasabayan pa rin ng kulog at kidlat. Nagtatakbo si Cyndi sa kalye palayo sa bahay ni Dennis, hindi alintana ang buhos ng ulan. Pero naabutan siya ni Archie at niyakap siya sa likuran. Agad nagpapalag si Cyndi.

"Liar! Cheater! You tricked me!" Mga sigaw ni Cyndi habang nagpupumiglas sa pagkakayapos sa kanya ni Archie.

"Sorry, Babe! Sorry, Babe! I'm sorry!" Halos dasal na paulit-ulit na sabi ni Archie na ayaw pakawalan sa pagkakayakap ang nobya.

Dahil sa patuloy na pagpalag ni Cyndi pareho na silang napaupo sa daan ni Archie.

"I hate you! I hate you! I hate you!" Pinagbabayo na ngayon ni Cyndi si Archie sa balikat at sa dibdib. Hindi nanlaban si Archie, tinanggap lang nito ang pananakit sa kanya ng babae. Hanggang mapagod na rin si Cyndi at pahagulgol na lang itong umiyak. Nakisabay naman ang ingay ng kulog, kidlat at ulan sa kanyang paghihinagpis.

Maya-maya, marahang nag-angat ng tingin si Cyndi sa kaharap. "Archie, I asked you at the hospital if you slept with her. And you said no. You said no." Parang nang-aakusa na si Cyndi sa kanya.

Hindi naman makatingin ng diretso si Archie. " Hindi ko nasabi sa 'yo yung totoo dahil I don't want to hurt your feelings..."

"Bullshit reason, Archie!" Pagputol ni Cyndi sa sinasabi ng lalaki. "Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa mga sasabihin mo." Tumayo na si Cyndi sa pagkakasalampak sa daan. "I'm leaving."

Tumayo na rin si Archie. "Let me take you home."

Tiningnan lang siya ng masama ni Cyndi. Na parang napapantastikuhan sa suhestiyon nito matapos ang mga nasaksihan nila kanina. Kinuha ni Cyndi ang phone sa bulsa ng suot na tight jeans at kaagad na may tinawagan.

"Dad, are you busy? Can you pick me up? Andito ako sa bahay ni Dennis, sa White Plains."

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon