MADALING araw na ng magising si Nadine, napatingin ito sa nakabukas na bintana ng kanilang silid at napansin niya ang isang maliit na paniki na nangungunyapit sa pasamano ng bintana. Maingat na bumangon sa kama si Nadine at dahan-dahan duong lumapit. Nakatitig lang ang paniki sa kanya na parang nananantiya.
Naalimpungatan si Aaron at nakita niya si Nadine na dahan-dahang naglalakad papunta sa bintana.
"Uy! Anong ginagawa mo dyan?" Tawag ni Aaron na naniningkit pa ang mga mata sa pagtanaw sa dalaga.
Gulat na napalingon si Nadine kay Aaron at pagbaling niya ulit sa bintana saka biglang lumipad palayo ang paniki at dumapo sa malapit na puno.
Muling tiningnan ni Nadine si Aaron na nakahiga pa rin sa kama at naghihintay ng sagot niya.
"Wala. Bigla lang akong nagising." Alanganing sagot ni Nadine.
Kinusot muna ni Aaron ang isang mata bago nagsalita. "'Lika nga dito."
Lumapit naman si Nadine at umupo sa gilid ng kama. Itinukod ni Aaron ang isang balikat at masuyo niyang hinawi ang buhok ni Nadine palayo sa mukha nito saka masuyong hinawakan ang kanyang pisngi, dumako ang kamay pababa sa leeg at dahan-dahan hinaplos ang isang dibdib ng babae. Di maiwasang mapabugtong-hininga ni Nadine.
"Ang ganda mo talaga." Parang namamangha bulong ni Aaron.
Inangat muli ni Aaron ang kamay sa mukha ni Nadine. "I love you." Masuyong bulong nito na titig na titig pa rin kay Nadine.
Parang napaso na tinabig ni Nadine ang pagkakahawak ni Aaron sa mukha niya. Seryosong tiningnan ang lalaki sa mukha. "Anong sabi mo?"
"I love you, Nadine." Pag-uulit ni Aaron sa akalang di lang narinig ni Nadine ang una niyang sinabi.
Kaagad na tumayo si Nadine sa kama at isa-isang kinuha ang mga hinubad na damit at isa-isa iyong isinuot sa sarili. "Uuwi na ako."
"Sandali," Naalarma na si Aaron. "May mali ba sa sinabi ko?"
Hindi umimik si Nadine. Tuloy lang sa pagbibihis.
"Masama ba na sabihin ko sa 'yo yung feelings ko? Eh, sa 'yun ang nararamdaman ko eh! Gusto mo i-suppress ko na lang?" Naguguluhan pa rin si Aaron habang sinusundan ang mga kilos ni Nadine habang nagbibihis.
"Wala sa usapan natin 'yan, Aaron. Kaya ayoko na. Quits na tayo." Ayaw patinag ni Nadine habang binubutones ang denim shorts.
"Eh, anong gusto mo? For fun lang? Sige, payag ako! Huwag ka munang umalis." Pilit na pangungumbinse ni Aaron.
Kinuha ni Nadine ang maliit na clutch bag at ang cellphone niya sa mesita at lumakad na papunta sa pinto. "Bye, Aaron!"
"Teka! Hatid na kita sa inyo!" Nagkukumahog na ngayon si Aaron sa pagbibihis.
"Huwag na! Kaya ko namang mag-taxi pauwi." Paalam ni Nadine bago isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomansLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...