NAKABIHIS na si Nadine para sa date nila ni Gio nung gabing 'yon. Pero sumadya muna ito sa Metrowalk bago makipagkita sa lalaki. Pero hindi gaya ng iba na iinom ng paisa-isang beer o o-order ng frappuccino sa katabing Starbucks Coffee habang naghihintay ang pakay ni Nadine. Kahit kabado ay nilakasan na ni Nadine ang loob dahil kung aatras din lang siya ay hindi niya magagawa ang pinaplano niyang gawin pag nagkita na sila ni Gio.

Maraming tao ngayon sa Metrowalk at maingay dahil nagpe-perform ngayon ang isang indie band sa makeshift stage na puro mga covers ng The Red Jumpsuit Apparatus ang kinakanta. Marami ring mga lalaking napapatingin kay Nadine pero wala siyang pinansin at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa isang sex toys shop nakapuwesto sa bandang likod ng Metrowalk.

Saglit na napatingin sa kanya ang lalaki sa counter na nakasuot pa ng black T-shirt na may nakalagay na logo ng banda ng Anthrax. Pero may kausap ang lalaki sa cellphone nito kaya nagbaba din agad ng tingin.

Buti na lang at busy ang lalaki kung hindi maiilang si Nadine tumingin ng mga items sa loob ng store habang may nakamasid sa kanya.

Agad niyang napansin ang iba't ibang klase ng vibrators at dildos na naka-display. Marami pala itong klase. May mga bendable vibrators, may yari sa glass, meron ding mga silicon at life-like na mga dildos. May mga nakita din siyang mga sex toys para sa lalaki tulad ng fleshlights, penis pumps, masturbators at cock rings.

Pero lubos siyang naging interesado nang makita na niya ang fetish and bondage collection sa shop. Maingat siyang pumili kung anong klase ng cuffs, bondage rope, fetish whip at mask na bibilhin. Pumili na rin siya ng sexy lingerie na isusuot niya mamaya kapag nagkita na sila ni Gio.

Matapos niyang mapili ang mga bibilhin ay nagulat pa siya nang makita ang lalaki sa counter na nakatingin sa kanya at may naglalarong ngiti sa mga labi nito.

Nilabanan na ni Nadine ang hiya at lumapit na siya sa counter para ma-scan na ng lalaking staff ang mga napili niyang bilhin.

"That would be seven thousand and five hundred and fifty pesos." Baritono at sexy ang boses ng lalaki.

Hinagilap agad ni Nadine ang extension credit card na galing sa Tito George niya at ibingay sa lalaki. Panay ang sulyap ng lalaking staff kay Nadine habang sinu-swipe nito ang card niya, hindi nawawala ang mga ngiti sa labi nito.

Matapos ang transakyon sa card ay ibinigay na ng lalaki ang plastic bag na laman lahat ng pinabili niya.

"Enjoy, baby." Nakangiting sabi ng lalaki kay Nadine pagkabigay nito ng bag.

Nahihiyang nginitian din ito ni Nadine. Halatang tinablan sa malakas na appeal ng lalaki.

Pagkalabas niya ng sex toy shop, saka saktong tinawagan siya ni Gio sa phone. "Andito na ako sa Metrowalk, Gio. Bilisan mo lang, ha?"

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon