KINAGABIHAN, sakay ulit sina George, Luke at Nadine ng BMW papunta sa isang sikat na bar sa The Fort. Napansin ni George mula sa rearview mirror na parang hindi mapakali si Nadine at panay tingin sa dalang compact mirror para tingnan ang hitsura.
Nilingon na ni George ang pamangkin. "Sweetie, don't be nervous. It's just a night out. Just try to relax and be yourself. It will be fun, I promise."
"Saka me and your Tito George will be inside the bar as well. Just send us a discreet text if some guy tries to force himself too much towards you. I'll crush his sorry ass to pieces." Kunwaring binukas-sara pa ni Luke ang isang kamay pero nakatawa naman habang ang isang kamay ay nanatiling nakahawak sa manibela ng sasakyan.
"I just don't know which drink should I order once na nasa loob na tayo." Nahihiyang confess ni Nadine.
"Yun lang ba?" Nakatawang sabi ni George. "Yun nga ang pinakamadali eh."
Nang makapasok na sila sa loob ng sikat na bar, binigyan agad ng instruksyon si Nadine ng dalawa.
"Du'n ka na pumuwesto sa stool sa may bar. Strike a conversation sa bartender. Ask for some drink recommendations na hindi strong. Then pretend that you're waiting for someone. If someone approach you and he's a nice enough guy, then chat with him by all means." Sabi ni George sa pamangkin.
"And remember, if the guy is an ass, I'll break his ass." Ipinakita pa ni Luke ang muscle niya.
"Luke, that is so cheesy. Stop it!" Saway ni George na kumakain na ng complimentary salted peanuts na nasa mesa nila.
Bumuntong-hininga muna si Nadine bago tinungo ang bar area at maingat na naupo sa isa sa mga stool. Nakangiting lumapit sa kanya ang isang matipunong bartender na may tattooes pa sa arms at tinanong kung anong gusto niyang drinks. Nagtanong si Nadine ng recommendations at kaagad in-offer ng bartender na gawan siya ng cosmopolitan na cocktail drink.
Tinikman ni Nadine ang drink at natuwa siya sa naghahalong tamis at asim ng ininom na drink. Sinunod niya ang bilin ng Tito George niya to the letter. Nilabas niya ang phone at luminga-linga sa loob ng bar na parang may hinahanap at kunwaring may tinatawagan sa phone.
Hindi nagtagal, may lumapit nga kay Nadine. Isang lalaking naka-hoodie na may nakalagay pang logo ng The Mighty Ducks, faded Levi's jeans at Nike kicks. Pero kahit laid-back ang pananamit ng lalaki dahil maganda ang tindig nito ay presentable pa rin itong tingnan.
"May inaantay ka ba, Miss?" Tanong ng lalaki.
Pagtingin ni Nadine sa nagsalita, nakatayo sa harap niya ang lalaki nakita niyang nag-ramp modelling sa perfume launch na dinaluhan nila ng tito niya. 'Yung modelo na kumindat at ngumiti pa sa kanya. May hawak-hawak pa ang lalaki ng bote ng Smirnoff sa isang kamay.
"Parang namumukhaan kita." Di na rin mapigilang ngumiti na sabi ni Nadine.
"Oo. Sa Luxure event sa NBC Tent. Ikaw 'yung girl na nakapuwesto sa harap ng stage. Hope you remember me. I'm Aaron nga pala." Nakangiting sabi ng lalaki na inalok pa ang kamay para makipag-shake hands.
Tinanggap naman ni Nadine ang kamay ng lalaki. "Naalala nga kita. Ako si..."
Pero pinutol siya ni Aaron. "Alam ko na name mo. Your name is Nadine, di ba?"
Di napigilang magulat ni Nadine. "Bakit mo alam?"
"Schoolmates tayo. Kasama ako sa Saint Therese Dance Troop. Pero nano-notice na kita dati pa. Mahiyain, mahinhin, mahilig sa libro pero ang pretty." Nakangiting pag-i-isplika ni Aaron.
Agad nabalot ng pag-aalala ang mukha ni Nadine at kinalas ang kamay niya sa pakikipag-shake hands kay Aaron.
"E, di alam mo na din 'yung kumalat na video..." Parang di matuloy ni Nadine ang gustong sabihin.
"Oo. Pero wala akong pakialam du'n, Nadine." Diretsahang sagot ni Aaron. "Lahat naman tayo may nagagawang mali sa buhay natin pero ang importante we learned from it. Saka dahil lang ba duon hindi ka na lalabas sa lungga mo at makikipag-interact sa ibang tao?"
Sandaling hindi sumagot si Nadine matapos ay marahan na umiling. "Syempre hindi."
"Saka ngayon ka pa ba mahihiya? I mean, tingnan mo naman. Ang ganda mo na nung nakita kita du'n sa event pero tonight..." At dinaan na lang ni Aaron sa pagsipol ang gustong iparating kay Nadine.
Natatawang tinapik ni Nadine sa balikat si Aaron. "Niloloko mo na ako eh!"
Seryosong tiningnan siya ni Aaron sa mga mata. "Hindi kita binibiro, Nadine."
Tila nababato-balaning napatingin din si Nadine sa mga mata ng kaharap saka nahihiyang kumalas siya ng tingin kay Aaron at tumingin ulit sa cosmopolitan drink niya.
"Aaron, favour lang kung puwede. Mag-picture naman tayo together? Ipo-post ko sana sa Facebook ko nang makita ng mga friends ko na may kasama akong hottie ngayon sa bar. Kung okay lang sa 'yo?" Tumingin na ng diretso si Nadine para tingnan ang reaksyon ng kaharap.
Natawa si Aaron. "Grabe naman sa hottie. Pero sige. Picture tayong dalawa. Pero dapat mag-picture din tayo sa phone ko, ha?"
Mula sa kinauupuan nina George at Luke, tanaw nila si Nadine na kasama si Aaron habang kumukuha ng picture nilang dalawa gamit ang front facing camera sa phone ng dalaga. Nakita pa nilang umakbay si Aaron kay Nadine habang nagpi-picture sila.
"Isn't that the guy who modelled for Tyke Cruz on his Luxure event?" tanong ni Luke kay George habang umiinom ng mojito.
"Oo nga ano." Tugon naman ni George. "Iba talaga itong pamangkin ko. May pinagmanahan sa akin."
"Let's cheers to that." Sabi ni Luke sabay taas ng drink nito.
"Cheers." Sabi naman ni George habang pinagtatagay ang mga baso nila ng inumin.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomansaLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...