"TALAGA? Natulala si Archie nung makita niya si Cyndi?" Nakapangalumbaba si Reema habang nakikinig sa kuwento ni Nadine.

"Oo. Parang tanga nga eh. Sana nga nailabas ko 'yung ballpen ko sa bag para matusok ko siya sa mata." Inis na reklamo ni Nadine habang naglalagay ng liquid foundation sa mukha habang nakatingin sa vanity mirror na nakapatong sa mesa paharap sa kanya.

Nasa McDonald's sila ngayon sa Greenhills at inaantay si Jethro na nakapila pa sa counter na nagpumilit na siya na ang manlilibre ng kakainin nila.

"Tama na nga 'yan. Ang kapal na ng foundation mo sa mukha." Pigil ni Reema kay Nadine.

"Hindi naman. Pinapantay ko lang." Pero inilagay na ni Nadine ang cap sa liquid foundation na ginagamit. "Kasalanan mo rin 'to, Reema eh." Sabi ni Nadine habang ibinabalik sa bag ang vanity mirror. "Kung hindi mo ako pinilit na kausapin ulit si Archie, sana hindi siya nagkaroon ng chance na buwisitin ako."

"Grabe 'to. Hindi ko naman alam na sisirain ni Archie 'yung moment n'yong dalawa." Dipensa naman ni Reema.

"Moment." At nag-gagging gesture pa si Nadine. "Basta, hindi na ako papauto sa inyong dalawa. Never ko nang kakausapin 'yang asshole na 'yan kahit pilitin mo ulit ako."

Hindi napansin ng dalawa na nakabalik na pala si Jethro sa kanila dala-dala ang tray ng kanilang food.

"Who's asshole you're referring to?" Tanong ni Jethro habang nakatayo sa harap nila.

Bahagyang namula si Nadine at hindi agad nakasagot.

Sinalo naman siya ni Reema. "No one. Just a random guy we commonly know."

Nagkibit-balikat na lang si Jethro at pumuwesto na ng tabi kay Nadine. "Here's your Quarter Pounder meal order, lady." Sabi nito habang nilalagay ang pagkain sa harap ni Nadine.

Lingid kina Nadine ay nasa kabilang panig ng fast food chain si Archie at nagsisiwalat ng damdamin sa mga kabarkada nito.

"Sige na. Say it to my face. Sabihin n'yo na sa akin na ang tanga-tanga ko." Puspos ng damdamin na sabi ni Archie.

"Ang tanga-tanga mo." Sinabi nga ni Nathan dito.

Inis na binato ni Archie ng isang pirasong French fry si Nathan.

"Sabi mo sabihan ka na ang tanga-tanga mo. Sumusunod lang ako." Dipensa naman ni Nathan.

"Bullshit talaga." At nasapo pa ni Archie ng dalawang kamay ang mukha sa sobrang pagkainis sa sarili.

Magsasalita pa sana ulit si Nathan pero mariing tinakpan ni Dennis ang bibig nito para siya naman ang makapagsalita. "Pare, simple lang naman 'yan eh. Sino ba talaga ang gusto mo? Si Nadine na ba o si Cyndi pa rin?"

"Hindi ko alam." Sagot ni Archie na takip-takip pa rin ang mukha.

Tinanggal ni Nathan ang kamay ni Dennis na tumatakip sa bibig niya. "Malalang problema yan."

"Ikain mo na lang muna 'yan, 'Tol." Sabi ni Kurt habang sinawsaw ang Chicken McNugget sa signature sauce.

Tinanggal ni Archie ang mga kamay na tinakip niya sa mukha, bumuntong-hininga ng malalim saka sinimulang kainin ang French fry na inorder niya.

Sabay na umalis ang grupo nina Archie at grupo nina Nadine sa fast food chain pero dahil sa magkaibang exit sila napiling dumaan, hindi sila nagkatagpo.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon