PABILING-BILING si Gio sa hinihigaang kama sa kanyang condo. Paano ba naman ay napapanaginipan niya si Nadine. Lumalapit ito sa kanya sakay ng bisikletang may nakakabit na ice cream cart. Nakasuot pa si Nadine na unipormeng pang-cheerleader, may suot din siyang cap na may design ng ice cream cone.
Nang makalapit na sa kanya si Nadine ay binuksan nito ang cover ng dalang ice cream cart, kumuha ng isang barquilos na apa at sinimulang lagyan iyon ng mga scoops ng ice cream hanggang halos maging isang dangkal ang taas nito. Saka sinimulang dilaan ni Nadine sa napaka-sensual na paraan mula sa ilalim na scoop pataas at mula sa pinakaibabaw na scoop pababa.
Duon na maalimpungatan ng gising si Gio. Hinahabol ang hininga. Labis na naapektuhan sa napanaginipan. Inalis nito ang kumot na nakabalot sa katawan at bumangon sa higaan. Kinusot muna niya ang balahibo ng alagang Persian cat na si Opal na natutulog sa carpet katabi ng kama niya bago siya nagpunta ng banyo.
Matinding hilamos ang ginawa niya sa mukha bago tinitigan ang sarili sa salamin. May nabubuong plano sa isip niya. Kailangan magawan niya ng paraan na magkausap sila ni Nadine at makumbinse itong makipag-date ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...