KAKATAPOS lang mag-practice ng Sound Iskool sa Music Club room nang magyaya si Chuck na mag-videoke sila.
"Seriously, Chuck?" Tinaasan ng kilay ni Garry ang kaibigan habang hinuhubad ang sling ng gitara ng nakasukbit sa kanya. "Di ka pa ba sawang kumanta? Lagpas isang oras din tayong nag-practice."
"Mas enjoy kumanta pag may kasamang beer na iniinom. Sige na! Friday na naman. Wala tayong klase bukas. Puwede tayong magpa-late ng uwi." Yakag ni Chuck sa mga kasama.
"Okay lang ba sa 'yo, Reema?" Baling na tanong ni Garry kay Reema na ibinababa ang sariling gitarang hawak.
"Kayo na bahala. Alam n'yo naman ako, sumusunod lang ako sa mga gusto n'yo." Tugon naman ni Reema.
"Text ko lang si Irene, ha? Baka antayin ako sa bahay nila. Pag 'di ako nagpaalam du'n, magagalit sa 'kin 'yun." Girlfriend ni Mikko ang binabanggit niya. Nakalabas agad ang phone at nagko-compose na ng ite-text.
"Du'n naman tayo sa masarap din ang pagkain. Nakakasawa na 'yung parati nating pinupuntahan sa Ortigas." Sabi naman ni Lloyd.
"Etong si Reema baka may alam." Sabi ni Garry sabay nguso pa kay Reema.
"May bagong KTV bar na bukas sa Eastwood. Mix ng Japanese and Filipino food 'yung ino-offer. Saka maganda 'yung loob ng KTV rooms. Try naten?" Suhestiyon ni Reema.
"Sige." Payag naman agad si Garry. "Du'n na lang tayo, Chuck!"
"No problem. Pero sino muna sasabay sa kotse ko papunta du'n?" Tanong ni Chuck sa mga ka-miyembro.
"Puwede bang sumama sa inyo?"
Napatingin silang lahat sa may pintuan kung saan nanggaling ang nagsalita. Nakatayo duon si Nadine at kanina pa pala nakikinig sa pag-uusap nila. Wala agad nakasagot kay Nadine sa pagpiprisinta nitong sumama sa kanila.
"Isama na natin 'yung kaibigan mo. Matagal ko nang crush 'yan eh." Bulong naman ni Garry kay Reema.
Sinimangutan naman ni Reema si Garry at siniko ito sa sikmura bilang sagot. Si Reema na rin ang lumapit kay Nadine sa pintuan at iniwan si Garry na hinihimas ang nasaktan parte sa tiyan.
"Kelan ka pa nahilig mag-videoke?" Tanong agad ni Reema nang makalapit kay Nadine.
"Wala lang. Parang feel ko lang bumirit ng mga kanta. Yayayain sana kita. Eh, tiyempo naman narinig kong may balak pala kayong mag-videoke ng mga ka-members mo. Okay lang ba if I join?" Hinging permiso ulit ni Nadine.
Lumipas ang ilang sandali bago sumagot si Reema. "Oo naman. Pero sa akin ka lang tatabi, ha? Huwag mong tabihan 'yang mga asungot na 'yan." Sabay nguso ni Reema sa mga lalaki sa likod niya.
"Aray naman!" Sabi ni Garry na naririnig pala ang conversation nina Nadine at Garry.
Magkasalubong ang kilay na nilingon siya ni Reema. "May reklamo ka?"
Sabay-sabay na silang pumunta sa Eastwood para subukan ang KTV bar na sinuhestiyon ni Reema. Sumakay sina Reema at Nadine sa kotseng dala ni Garry. Sina Lloyd at Mikko ang sumabay naman sa dalang kotse ni Chuck. Suwerte naman na nakakuha agad sila ng okupadong room kahit lagpas ala sais na ng gabi sila nakarating.
Nagpakitang gilas agad si Garry at kumanta ng ilang John Mayer songs. Si Mikko at Lloyd mga kanta ng Parokya Ni Edgar at Eraserheads ang binanatang kantahin. Si Chuck mga novelty songs ni Renz Verano at April Boys ang kinanta.
Inalok nilang si Reema naman ang kumanta pero ayaw nito at busy sa pagkain ng nachos at maki rolls. "Saka na ako kakanta pag nagsawa na kayo."
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomansaLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...