NAUNANG munang hinatid ni Archie si Reema sa bahay nito gamit ang dala niyang Honda CR-V. Sa backseat nakapuwesto si Reema habang si Nadine na nakaupo naman sa front passenger seat.
Walang imik ang tatlo nang pumarada na ang kotse sa tapat ng bahay ni Reema.
Bumuntong-hininga muna si Reema bago nagsalita. "Nakakagulat kayo. Saglit lang akong di nakalabas at tinapos ko pa yung meeting ng mga ka-banda ko. Paglabas ko ng La Jota, ang dami na palang nangyari."
"Sorry." Sabi ni Archie na tinitingnan si Reema mula sa rearview mirror nito.
Tiiningnan lang siya saglit ni Reema saka binalingan na ito si Nadine na namumula pa rin ang mga mata at di mapakali ang mga kamay sa paghawak sa nawarak na harapan ng blouse.
"Bababa na ako, ha?" Sabi nito kay Nadine habang hawak ito sa balikat. "Sigurado kang okay ka lang?" Paniniguro pa nito.
Ipinatong naman ni Nadine ang kamay niya sa kamay ni Reema na nakahawak sa balikat niya. "Oo. Salamat. Text kita mamaya bago ako matulog."
Si Archie naman ang binalingan ni Reema. "Archie, ihatid mo si Nadine sa kanila, ha? Pag nalaman ko lang na may nangyari sa kaibigan ko, ipapabugbog kita sa mga kuya ko. Mga maton yun."
Napangiti si Archie at nilingon pa ang nag-aalalang kaibigan ni Nadine. "Don't worry, Reema. Nadine is safe with me."
Umismid naman si Reema. "Baduy mo!" Sabay bukas ng pintuan sa gawi niya. "Sige. Ingat sa pagda-drive!" Saka tinakbo ang gate ng bahay nila.
Hindi na hinintay ni Archie na makapasok ng bahay nila si Reema. Pinaandar na nito ang sasakyan para maihatid naman si Nadine sa kanila.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...