"WELCOME to my humble abode." Nakangiting sabi ni Archie habang pinapauna niyang pumasok si Nadine sa kuwarto niya. Kaagad pumukaw ng pansin sa dalaga ang mga NBA memorabilias na naka-display sa isang panig ng kuwarto ni Archie. Si Kobe Bryant ang pinaka-paboritong basketbolista ng binata kaya ito ang nangingibabaw sa koleksyon nito. May L.A. Lakers na jersey siya na syempre may nakalagay na numerong 24. Mayroon ding lifesize framed photograph ni Kobe in action sa court. Naka-display din ang hindi iilang mga tropeo at medalyang napalanunan niya bilang isa sa mga team captain ng banner team ng school nila, ang Falcon Crest.

Lumapit si Nadine sa mga naka-display na collectibles at hinawakan ang Spalding basketball na may autographed ng paboritong manlalaro ni Archie.

"Galing 'yan mga collectibles na 'yan sa uncle ko sa California. Whenever I see something that caught my fancy online, especially if NBA memorabilias, ini-email ko sa uncle ko or I send him a Tweet para mabasa niya agad-agad. Then in a week or two, nade-deliver na yung package dito sa house via UPS."

Inilapag ni Nadine ang basketball at nakangiting tumingin kay Archie. "Ini-spoil ka palang masyado ng uncle mo, ha?"

Natawa din si Archie at napakamot sa batok. "Hindi, ah! I deserved it naman. I was able to get good grades in between try-outs so reward na ni Uncle Oscar 'yan sa 'kin who also happens to be my Ninong."

Natawa na rin si Nadine. "Binibiro lang kita. Masyado mo namang sineryoso."

Bumaling naman ang dalawa sa full size bed ng binata na Marvel themed dahil halos lahat ng characters na lumabas sa Marvel movies ay either naka-print sa bedsheets, sa bedding at kahit sa mga pillows. "Buti kapapalit lang ni Manang Christy nang bed sheet ng kama kaya 'di amoy pawis. Hindi nakakahiya sa 'yo pag humiga ka."

Saglit na natahimik ang dalawa at di nakapagsalita.

Umupo muna sa gilid ng kama si Archie bago muling nagsalita. "Hindi ka ba naba-bother na puro Spider-Man, Thor at Iron Man yung naka-design sa bed? We can have it replaced to make it more girly if you like?"

Umiling naman agad si Nadine at tumabi pa kay Archie sa pagkakaupo nito sa kama. "Huwag mo nang abalahin sarili mo. Hindi naman ako maarte. Saka ngayon gabi lang naman ako mag-i-stay dito sa inyo."

Nagkatitigan saglit ang dalawa na parang may gustong basahin sa kani-kaniyang mukha. Si Archie ang unang bumawi ng tingin. "Ihahanda ko lang 'yung hihigaan ko."

Tinungo ni Archie ang shelf cabinet para ilabas ang comforter, ektrang mga unan at kumot.

Dumapa naman sa kama at nangalumbaba si Nadine habang pinapanuod si Archie sa pag-aayos ng hihigaan nito. "Gusto mo dyan na lang ako sa lapag? Dito ka na lang matulog sa kama mo."

Nakangiting tumingin sa kanya si Archie matapos maayos na mailatag ang comforter. "Hindi na." Lumapit ang binata kay Nadine at masuyong hinawakan nito ang pisngi niya. "Ikaw ang kailangan makapagpahinga ng maayos after ng mga drama na nangyari sa 'yo kanina."

Hindi masabi ni Nadine na si Archie din naman naging involved sa naging drama niya. Masyado kasi siyang naiilang/kinikilig habang hawak-hawak ng sinisintang binata ang mukha niya.

Totoo ba 'to? Baka naman nanaginip lang ako. Pero kung panganip nga lang 'to, hindi ko na nanaising magising. Sabi niya sa sarili habang pinapanuod si Archie habang binubuksan nito ang bintana ng kuwarto.

"Huwag na lang natin buksan ang air conditioner. Nahahatching kasi ako pag naka-on 'yun eh. Buksan na lang natin 'tong bintana. Malamig naman ngayon eh. Fresh air pa." Sabi ni Archie habang pinapanuod ang humahabay sa hangin na mayabong na punong narra sa harap ng bahay nila.

"Sige. Buksan mo na lang 'yang bintana, Archie." Sumang-ayon naman si Nadine sa suhestiyon ni Archie.

Saglit pang pinagmasdan ni Archie ang narra na di mapigilan sa paggalaw dahil sa mahanging panahon bago tuluyang umalis sa bintana.

Kung naisip lang ni Archie na ibaba ang tingin, makikita niya ang itim na Toyota Civic na nakahimpil sa tapat ng bahay nila. Sakay-sakay nito si Gio, humihithit ng sigarilyo habang hindi inaalis ang tingin sa bintana ng kuwarto ni Archie.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon