NASA may parking lot na ng school sina Cyndi at Riz, lumalakad palapit sa kotse ay hindi pa rin maipinta ang mukha ni Cyndi sa pagkainis.

"Bakit mo naman ginawa 'yun, Cyndi? Ang dami pang nakakita. Nakakaawa siya tuloy." Sabi ni Riz habang sinasabayan sa paglalakad ang kaibigan.

Natigil sa paglalakad si Cyndi at tiningnan ng masama si Riz. "Kaibigan ba kita, Riz? Kung kakampihan mo din lang ang flirt na 'yun, sige, balikan mo siya! Cry with her on the floor for fuck sake!"

"Cyndi, alam mo naman sa 'yo ako kampi from the start. Worried lang ako sa naging eksena nyo kanina, people might talk nasty things about you." Pagpapaliwanag naman ni Riz.

"Then let them talk! She brought that to herself in the first place. I'm just acting out my anger dahil sa ginawa nila ni Archie sa akin." Si Cyndi naman ngayon ang parang naiiyak.

"Alright, Cyndi. Let's forget about what happened earlier." Marahang tinapik ni Riz ang likod ni Cyndi. "Ako na magda-drive." Pagpiprisinta nito. Hindi naman tumanggi si Cyndi.

"Saan ba tayo?" Tanong ni Riz na pumupuwesto na sa driver's seat.

"Haagen Dazs sa Eastwood. I need to gobble a banana split para mawala pagka-bad trip ko." Sagot ni Cyndi habang sinusuot ang seat belt.

"Basta libre mo ako, ha?" Nakangitin sabi ni Riz sa katabi.

Nag-roll eyes si Cyndi. "May magagawa pa ba ako?"

Tuluyang natawa si Riz habang ini-start ang motor ng kotse.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon