KANINA pa hindi mapakali si Reema. Ang banda na nila kasi ang susunod na isasalang pagkatapos ng nagpe-perform ngayon sa entablado. Ang kasalukuyang nagtatanghal ngayon ay mga miyembro rin ng Music Club na may angking galing sa pagpapatugtog ng bandurias. Ang pinapatugtog ng mga ito ngayon ay ang hit song ni Lady Gaga na Paparazzi gamit ang mga instrumento. Halata naman sa audience na nag-e-enjoy sa performance ng grupo. Kabilang na duon sina Cyndi, Archie at ang mga kasamahan nito sa Falcon Crest.
Palakad-lakad naman sa likod ng backstage si Reema habang panay ang tawag gamit ang cellphone. Napansin niya kasing hindi pa dumadating sa loob ng La Jota Ampitheater si Nadine kaya tinatawagan niya ito. Nangako kasi sa kanya si Nadine na manunuod ng kanyang "initiation rights" sa Music Club bilang moral support. Pero mukhang iindiyanin siya ng kaibigan. Nakakatatlong tawag na siya sa number nito pero hindi naman ito sinasagot ni Nadine.
Nilapitan siya ng lead guitarist ng Sound Iskool na si Garry, tinapik siya sa balikat. "Reema, get ready. We're up next."
Nag-thumbs up sign lang si Reema kay Garry at sinubukan uling tawagan si Nadine.
Naku! Pag hindi mo talaga ako sinipot ngayon, isang taon kitang hindi papansinin!
Sa wakas, sinagot din ni Nadine ang tawag niya. Medyo alanganin pa nga ang boses nito nang mag-'Hello?' sa kabilang linya.
"Nadine!" Hyper agad si Reema. "Wala ka pa rin dito! Magsisimula na kaming tumugtog! Are you still coming?"
"Malapit na ako diyan, Reema. Don't worry. Mapapanuod ko ang performance mo."
"Bakit may naririnig akong tunog ng sasakyan? Nag-taxi ka pa ba?"
Matagal bago muling sumagot si Nadine. "Sige, Reema. See you later!" Saka nito diniskunekta ang tawag.
Napasimangot na lang si Reema habang nakatingin sa cellphone niya.
Sa may entablado, natapos na ang performance ng mga nagba-bandurias. Palakpakan at hiyawan naman ang mga nanunuod, ang pinakamalakas ay ang grupo nina Archie.
Tinawag ulit si Reema ni Garry na papaakyat na ng stage. "Reema, tayo na!"
Awtomatikong napatikhim si Reema. Isang linggo niya itong pinaghandaan. Umiwas muna siyang uminom ng coffee, tea at kumain ng mga sweets para paniguradong hindi mapurnada ang boses niya. Pero sa gabi ng kanyang performance, hindi pa rin maalis ang pangamba niya na baka biglang hindi makisama ang boses niya at bigla siyang pumiyok.
Tinapik-tapik muna niya ang kaliwang dibdib para pakalmahin ang sarili bago lumakad paakyat sa entablado.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...