ALUMPIHIT si Gio habang kumakapit sa sanga ng punong narra nakapuwesto sa harapan ng bahay ng Pamilya Nuestre. Inuusog niya kasi ang katawan sa puwestong makikita niya ng buo ang loob ng kuwarto ni Archie mula sa bukas nitong bintana.

Pilit nitong tinatanaw ang nagtatalik na katawan nina Archie at Nadine. Hindi lamang iyon. Kinukuhan din ng video ni Gio ang dalawa gamit ang Canon Powershot camera na sinuot niya sa bulsa ng damit bago umakyat ng puno. Napangisi pa si Gio nang kahit liwanag lang ng lampara ang bukas sa kuwarto ni Archie ay maliwanag pa ring rumerehistro ang ginagawa ng dalawa sa camera niyang dala. Sa wakas, mayroon na siyang siguradong magagamit na pangganti sa dalawa.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon