NANG oras ding iyon, naglalakad din sa open quadrangle si Cyndi palapit sa kotse ni Shaun na nakaparada na sa parking nang matanaw niya ang nangyayaring panggulpi ni Archie kay Gio sa may cafeteria. Pero ngayon may lumapit nang mga unipormadong guards para pumigil sa dalawa.
Bumaba na ng kotse si Shaun at nilapitan si Cyndi.
"Hey, Babe!" Sabi ni Shaun na hinalikan pa sa pisngi ang babae.
Tipid na ngumiti si Cyndi at ibinalik ulit ang tingin sa cafeteria. Napaghiwalay na ngayon sina Archie at Gio pero may isinisigaw pa ring panghahamon si Archie sa nakasuntukan.
Napatingin na rin sa eksena si Shaun. "Isn't that the guy who approached you at the bar the last time? I didn't realized he was such a war freak."
"Me neither." Mahinang tugon ni Cyndi.
Napatingin si Cyndi sa dalawang pares na lumalayo sa eksenang nagaganap sa cafeteria. Nuong una hindi namukhaan ni Cyndi ang babaeng kasama ng lalaking naka-hoodie pero nang mapagmasdan niya itong mabuti saka niya nakilala na si Nadine pala ito.
Bahagyang nagulat si Cyndi sa nakita. Ibang-iba na ang hitsura nito ngayon at malayong-malayo na sa nakasanayang niyang konserbatibong pananamit nito.
"Let's grab a bite! Where do you wanna go?" Pangyayaya na ni Shaun.
"Just take me anywhere, Shaun. Your call." Tugon naman ni Cyndi.
"All right!" At sumakay na sila sa kotse ni Shaun. "Just tell me when to bring you back here for your afternoon class." At pinaandar na ni Shaun ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...