MATULIN ang patakbo ni Archie ng sasakyan. Kabado si Nadine. Nag-aalala na baka maaksidente sila sa daan. Palagi pang sumusulyap sa phone niya si Archie at kapag inabutan ng stoplight saka rereplayan ang nag-message sa kanya.
Nang abutan ulit sila ng stoplight ay hindi na napigilang kausapin na ni Nadine ang katabi. "Archie, baka puwedeng bagalan mo ng kaunti ang paandar mo. Ninenerbiyos ako eh. Baka biglang makasagi tayo."
"Nadine, you don't have to tell me how to drive my car." Hindi tumitingin na sagot sa kanya ni Archie na patuloy na nire-replayan ang nag-message sa kanya. "Kabisado ko ang kotse ko. At kabisado ko ang bilis ko sa pagmaneho."
May bumusina sa likuran nila. Hudyat na go signal na. Paharurot na pinaandar ulit ni Archie ang sasakyan.
"Alam ko namang si Cyndi ang pupuntahan mo sa ospital eh. Ano ba kasing nangyari sa kanya? Seryoso ba lagay niya?" Pangungulit ni Nadine.
Hindi tumugon si Archie. Sa dinadaan ngayon nakatuon ang mga mata nito.
"Kung okay lang sa 'yo, sama na lang ako sa pagpunta mo sa The Medical City. Kahit duon na lang ako sa lobby maghintay..."
Natigil magsalita si Nadine dahil galit na tumingin sa kanya si Archie. "Don't be ridiculous, Nadine." Ibinalik ulit nito ang tingin sa dinadaanan. "Huwag mo muna akong kausapin. Wala ako sa mood. At wala akong time na makipagkulitan sa 'yo. I'm pressed for time."
Naiiyak na tumahimik si Nadine at itinuon na lang ang tingin sa bintana sa gawi niya hindi para tingnan ang nadaraanan nila kung hindi para itago kay Archie ang mga namumuong luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomantikLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...