SI ARCHIE naman, busy sa ginagawang basketball exercises at practice kasama ang iba pang Falcon Crest players sa enclosed court sa kanilang school.. Lateral skater, side plank leg raise at split squat jumps ang ilang sa mga exercises na ginawa nila. Pagkatapos niyon, shooting drills ang sinunod nilang gawin.
Habang di pa nakasalang, naupo muna sa bench si Archie. Pero hindi sa mga ka-team na nagpa-practice nakatuon ang pansin niya. Malayo ang tingin nito habang bumabalik sa alaala niya ang niya ang gabing kasiping niya si Nadine, kung paanong walang pag-aalinlangan ipinaubaya nito ang katawan sa kanya sa unang pagkakataon. Ang maaalab na pagdidikit ng kanilang mga labi at ang paghinang ng kanilang mga katawan. Kasunod niyon, bumalik rin sa alalala niya ang galit na mukha ni Cyndi na basang-basa sa ulan. Ang mga masasakit na salitang binitawan nito dahil hindi siya naging tapat sa relasyon nila. Naguguluhan sa sariling napahawak na lang sa batok si Archie. Nagulat na lang siya nang may biglang tumapik sa balikat niya. Pag-angat niya ng tingin, nakatayo sa tabi niya ang coach niyang si Perry.
"Ready ka na ba, Archie?" Tanong ni Perry.
Tumango si Archie bilang tugon saka tumayo sa bench. Hindi naman binigo ni Archie ang coach at mga ka-team niya na nagpakita gilas sa kanyang block drills at interweaving drills.
"Excellent! Good work, Team!" Pumalakpak pa si Perry. Nasisiyahan sa dedikasyong pinapakita ng kanyang team.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...