ATUBILI sa kusina ang ina ni Nadine na si Mildred sa kusina. Paano ba naman ay naeenganyo ito ngayon sa pagbe-bake at naisipang gawin ang recipe ng cinnamon raisin bread na nakita niya online. Mula sa paghahalo-halo ng kailangang ingredients hanggang sa makagawa ng dough. Mabusisi din siya sa pagmamasa ng dough para maayos itong umalsa. Istrikto din siya sa pagsunod sa oras ng pagbe-bake sa oven ng bread base sa nakalap na recipe. Nag-print out pa siya ng kopya nito at nakapatong sa counter top para mapasadahan niya ng tingin at walang makalimutan sa step–by-step na proseso.

Nang matapos ang nakatakdang oras ng pagbe-bake, nangingiti pa si Mildred nang tanggalin ang tinapay sa oven. Pinahiran pa niya ng tinunaw na mantikilya ang paligid ng tinapay.

Habang tinitikman ang cinnamon raisin bread na kanyang ginawa ay biglang may nag-buzzer sa pinto. Nilapag muna ni Mildred sa ceramic plate ang bread na kinakain at tumungo agad sa pinto.

Pinunas muna ni Mildred ang mga kamay sa suot-suot na apron bago binuksan ang pinto.

Hindi mapigilan ni Mildred na manlaki ang mga mata nang makita ang nakababatang kapatid niyang si George na nakatayo sa entrada ng pintuan, nakatingin sa kanya.

"Hello, Ate. Long time no see." Nakangiting bati ni George sa natitigilang ate niya.

"Ano namang masamang hangin ang nagpadpad sa 'yo dito?" Hindi na itinago ni Mildred ang pagkadisimula sa harapan ng kapatid.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Ate. You're still very welcoming to your long lost kid brother." Parang hindi ininda ni George ang pasaring ni Mildred at nakuha pa nitong magbiro.

"Bakit ganyan ang suot mo? Parang kang pupunta ng binyag?" Pansin ni Mildred. Nakasuot kasi ng tailored gray suit si George pero kulay pink ang suot na tie.

"Actually, may pupuntahan akong event later this evening. Launching ng bagong scent ng Luxure, iko-cover ng magazine namin. I also happen to be friends with the owner Tyke Cruz." Tuloy-tuloy na pagsasalita ni George, natural ang pagka-chatterbox. Diretso pa itong pumasok sa loob ng bahay kahit hindi pa pinatutuloy ni Mildred.

"Huwag mo na akong kuwentuhan, George. Hindi naman ako interesado." Nagtataray nang sabi ni Mildred. "Just tell me what brings you here."

Napabuntong-hininga na lang si George. Hirap talagang pakisamahan ng ate niya. "I'm actually waiting for Nadine. Ready na ba siya?"

Nangunot-noo si Mildred sa kausap. "Ready para saan?"

"Hindi pa ba niya nasabi sa 'yo?" Balik-tanong ni George. "She wanted to stay with me for the meantime."

Natigilan saglit si Mildred sa narinig. Nang maka-recover ay lalong sumeryoso ang mukha nito.

"Kausapin ko lang saglit ang anak ko." At tinalikuran na ang bisita.

"Ate, ang bango naman nu'ng naamoy ko. Nag-bake ka ba? Patikim naman ako." Parang nanunudyo pang pahabol na sabi ni George kay Mildred pero tuloy-tuloy na itong umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto ni Nadine.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon