GAYA ng napagkasunduan nina Mildred at Nadine, sinundo nila si Reema sa bahay nito para sumama sa kanila sa pagbisita kay Archie sa ospital. Dumaan din sila sa supermarket para magpagawa ng assorted fruits and chocolate basket na pinalagyan pa nila ng ribbon at balloons. Nang makarating na sila sa parking lot ng St. Luke's ay kaagad nag-send ng message si Nadine sa kapatid ni Archie na si Biboy para kumpirmahin kung anong room number naka-stay si Archie.

Nang makarating sila sa lobby, nagpaalam si Mildred kina Nadine at Reema na mag-i-stay muna sa French patisserie na nasa lobby area ng ospital habang okupado sila sa pagbisita sa kaibigan nila.

"Daanan n'yo na lang ako dito when you're done." Nakangiting sabi ni Mildred na inilalabas na ang dalang paperback book ni John Grisham na babasahin muna niya habang hinihintay sina Nadine.

"Sige, Mama." Sabi ni Nadine na hawak ang cellphone dahil kanina pa sila nagpapalitan ng messages ni Biboy via Facebook.

"See you later, Tita." Paalam naman ni Reema na siyang may hawak ng fruits and chocolate basket.

Naglakad na sina Reema at Nadine papunta sa hilera ng elevators.

"Sabihin mo sa kapatid ni Archie na nandito na tayo. Siya na lang kamo ang sumalubong sa atin." Sabi ni Reema habang naglalakad sila.

"Eto na nga. Kino-compose ko na 'yung message." Sagot naman ni Nadine na busy na sa pagtipa sa screen ng ginagamit na phone.

Sa private suite kung saan naka-confine si Archie, kausap ng attending male physician ang parents ni Archie at ini-explain sa mga ito na hindi ganoong kaseryoso ang stab wound na tinamo ni Archie sa likod. Luckily, hindi umabot sa papillary dermis ang edge ng panaksak na ginamit kaya walang capillary blood vessels ang natamaan. Ipinaalam din ng doktor sa kanila na inaplayan na nila ng skin adhesive ang wound sa likod ni Archie kagabi.

Bumaling naman ang doktor kay Archie. "Bawal munang basain 'yang area ng sugat sa likod mo for five days. Saka kung maaari, huwag ka munang magsuot ng damit pang-itaas para hindi nagagasgas ng clothing 'yung sugat mong may skin glue sa likod."

"Gano'n, Doc? Eh, 'di five days din akong di maliligo? Ang saklap naman ng magiging amoy ko nu'n." Nag-aalalang sabi ni Archie na shirtless at kinukumutan lang ang Bermuda shorts na suot nito.

Natawa ang doctor. "Well, you can still wet your hair, your face, your torso. Basically the rest of your body except your back."

"Mag-sponge bath ka na lang." Sabi ni Celine na masuyong ginulo pa ang buhok ni Archie.

"On top of that, dapat wala akong suot na shirt for five days." Nasampal pa ni Archie ang sarili.

"Ayaw mo nu'n, para kang si Tarzan." Nakatawang sabi naman ng Dad niyang si Jun. "I'm the King of the Jungle!" At nanunuksong sinuntok pa nito ang sariling dibdib.

Si Biboy naman hindi sila pinapansin at busy sa pakikipagpalitan ng message kay Nadine. Nang mag-message si Nadine na salubungin sila sa labas ng suite ni Archie ay agad itong nagpaalam lumabas.

"Excuse me lang." Sabi ni Biboy na hindi na hinintay na may sumagot sa kanya at tuloy-tuloy itong tumungo sa labas ng pinto ng suite para hintayin sina Nadine.

Tiyempo namang lumalakad sa corridor sina Nadine at Reema palapit sa private suite ni Archie nang lumabas ng pinto si Biboy.

"Biboy!" Hindi natago ni Nadine ang excitement nang makita ang nakababatang kapatid ni Archie.

"Nadine!" Nakangiting tugon ni Biboy na kumaway pa. Kahit malaki ang agwat ng edad ni Nadine dito ay ayaw niyang lagyan ng 'Ate' pag binabanggit ang pangalan ni Nadine.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon