TIYEMPONG lumalabas ang grupo nina Archie sa La Jota ampitheater at pinag-uusapan kung saang watering hole tutungo dahil ayaw pa nilang magsi-uwi.

"Dennis is suggesting sa Tides na lang sa Morato tayo pumunta. Manlilibre daw siya at malapit na palang mag-birthday ang loko. Okay lang ba sa 'yo, Babe?" Malambing na tanong ni Cyndi kay Archie habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Kayo bahala." Nakangiting tugon ni Archie sa nobya. "Kung saan nyo gusto, call ako." Sabi naman ni Archie sa mga kabarkada.

Inaalam na ni Dennis kung sino-sino ang sasabay sa kanya sa sasakyan niya nang may pumukaw sa atensyon ni Archie. Nadako ang tingin niya sa parking lot sa gilid ng ampitheater at saktong nakita ang kotse ni Gio. Dahil nakabukas ang bintana ng kotse, kitang-kita ni Archie ang ginagawang pamumuwersa ni Gio kay Nadine. Maririnig din ang impit na mga sigaw ng dalaga habang patuloy na nagpupumiglas.

Kumalas agad sa pagkakayakap kay Cyndi si Archie at patakbong tumungo kinaroroonan ng kotse ni Gio. Nagtaka saglit si Cyndi sa inasal ng nobyo at saka lang nito na-realize kung bakit nang mapadako rin ang tingin nito sa kotseng patakbong tinatahak ni Archie.

Mabuti na lang at hindi naka-lock ang pintuan sa gawi ni Gio kaya't kaagad itong nabuksan ni Archie at marahas na hinaltak palabas ng kotse si Gio na gulat na gulat.

Hindi na nagpatumpik-tumpik at dalawang suntok agad ang pinakawalan ni Archie na tumama sa magkabilang-pisngi ng katunggali. Mahilo-hilo si Gio na pasalampak na napahiga sa maalikabok na pavement ng parking area.

"Tarantado kang hayup ka! Dito ka pa sa loob ng campus nakaisip mambastos ng babae!" Nagpupuyos sa galit si Archie.

"Anong pake mo, 'tangina mo ka!" Akmang tatayo pa si Gio at susugod pero naunahan agad ito ng sipa sa dibdib ni Archie kaya muli itong napasalampak ng higa.

"Huwag ka nang sumubok, animal! 'Di mo ko kaya, gago!" Nangingitngit ang mga bagang pagtuya ni Archie kay Gio.

Natigilan lang ang binata nang marinig nito ang panguyngoy na iyak ni Nadine na nasa loob pa rin ng sasakyan. Hawak nito sa dibdib ang parteng nawakwak na damit na parang isang himalang kusa itong mabubuong muli sa paghawak niya.

Kaagad dinuluhan ni Archie ang nag-iiyak pa rin na si Nadine at inilayo agad sa kotse at sa nakasalampak pa rin na si Gio.

Hinawakan ni Archie si Nadine sa magkabilang pisngi, titig na titig sa mukha nito.

"Anong masakit sa 'yo? Sabihin mo. Do I need to take you to a doctor?" Punong-puno ng pagmamalasakit na tanong ni Archie na di pa rin inaalis ang tingin sa mukha ng dalaga.

"Ang damit ko. Magagalit sa akin si Mama pag nakita niyang nasira 'tong damit ko." Kusumot na kusumot ang mukha at patuloy ang pagdaloy ng luha na sagot ni Nadine.

"Don't mind the dress. Everything will be okay...Nadine. I promise."

Umiiyak pa rin si Nadine na nakatingin lang kay Archie.

Huminga muna ng malalim si Archie saka walang kaabog-abog na hinalikan si Nadine sa mga labi nito. Hindi katulad ng halik ni Gio na marahas at may pamumuwersa, ang halik ni Archie ay banayad at punong-puno ng pagsuyo.

Nagulat si Nadine sa hindi inaasahan na paghalik sa kanya ni Archie. Pero ang pagkagulat ay agad napalitan ng kagustuhan na matugunan ang paghalik sa kanya ng binata. Gumanti rin siya. Sinabayan ang ritmo ng mga labi nilang ayaw maghiwalay. Tumagal din ng halos isang minuto. Pagkatapos ay mahigpit na yakap naman ang binigay ni Archie kay Nadine. Yaong yakap na tila walang sinumang lalaki ang makakaagaw pa sa babaing itong bukod niyang itinatangi. Hindi mapigilang mangiti ni Nadine nang maramdamang hinahaplos-haplos pa ni Archie ang kanyang buhok habang nakakulong siya sa mga bisig nito.

Para silang nagising sa napakagandang panaginip nang biglang pumunit ang napakalakas na sigaw mula kay Gio. Parang naalimpungatang napatingin sina Archie at Nadine sa lalaki na nakasalampak pa rin.

Unti-unting tumayo mula sa pagkakaupo si Gio. "'Tang-ina ka, Archie! Napaka-unfair mong maglaro."

"Hindi deserving para sa 'yo si Nadine. Hindi ka marunong gumalang sa babae." Halos hindi kumukurap si Archie habang pinagmamasdan si Gio. Tinatanya siguro kung susugod ulit ito.

"Fuck you and your stupid principles, Archie!" Dumuro pa si Gio habang nagsasalita. "Alam mo bang kaya lang lumapit sa akin si Nadine because the past few days hindi mo siya pinapansin?"

Bahagyang nanginig si Nadine sa tinuran ni Gio. Naramdaman ito ni Archie kaya hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa dalaga.

"'Tapos ngayon na nakita mong dinidiskartehan ko na siya, bigla ka na lang eentra. And since nakuha mo na atensyon niya, malamang after a few days hindi mo na naman siya papansinin. Bullshit, di ba?" Dumura pa si Gio para ipakita ang pagkadisgusto sa sitwasyon.

"Hindi-hindi ko na ulit gagawin 'yun." Parang nangangako si Archie na di pa rin binibitawan sa pagkakayakap si Nadine.

"Screw you! Screw everyone of you!" Idinamay na rin ni Gio ang mga kabarkada ni Archie at iba pang nakakiusyoso sa kanila ngayon.

Pumasok ulit sa loob ng sasakyan niya si Gio at pabalabag na sinara ang pinto saka binuhay ang makina ng sasakyan.

"Tatandaan ko itong araw na itong hiniya mo ako, Nadine." Pagbabanta ni Gio na sa dalaga naman nakatingin. Isinara na nito ang binata ng sasakyan at saka humaharurot ang makina na nilisan ang parking lot ng La Jota amphitheatre.

Habang sinusundan ang tingin ang papalayong sasakyan, mahihinang hikbi naman ang pumukaw ng pansin sa dalawa. Napatingin naman sina Archie at Nadine sa kinatatayuan ni Cyndi.

Basang-basa ang mga pisngi nito ng luha pero matatalim ang tingin sa dalawa. Itinaas nito ang dalawang kamay para bigyan ng "fuck you sign" ang dalawa saka binirahan ng talikod.

Tinulak palayo ni Cyndi si Dennis na nakaharang sa dinadaanan niya at si Nathan ang napagdiskitahan nitong hatakin ang harapan T-shirt nito palayo sa eksena.

"Huwag ka nang umangal, Nathan! Ikaw ang maghahatid sa akin ngayon pauwi!" Sabi ni Cyndi habang hatak ang T-shirt ni Nathan na wala nang magawa kung hindi ang sumunod.

Pagkaalis nina Cyndi at Nathan, duon lang napansin ni Nadine na nasa labas na ng amphitheatre ang kaibigang si Reema at tutop ang bibig na nakatingin sa kanila. Marahil nasaksihan lahat nito ang mga di inaasahan na pangyayari.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon