NAGLALAKAD palapit sa Paeng's Bowl & Billiard Room sa may Eastwood Mall sina Shaun at Cyndi.

"Are you sure you wanna play bowling with me?" Nakangiting tanong ni Shaun kay Cyndi na nakakapit pa sa kanyang balikat habang naglalakad.

"Of course! I want to prove to you that I could beat you to it." Nakatawang hamon naman ni Cyndi.

"Alright. But let me tell you, I never missed a strike." Pag-call naman ni Shaun sa hamon ng kasintahan.

Natigil bigla si Cyndi sa paglalakad nang may matanaw ito sa bowling alley. Kunot-noong napatingin naman si Shaun sa katabi.

Kaya pala, nakita niya si Nadine na aktong pinapagulong ang hawak na bowling ball at suwerteng naka-strike sa tira nito. Natakip pa nito ang bibig na parang di makapaniwala saka mahinang tumalon-talon na parang bata. Lumapit naman kaagad ang lalaking kasama nito at binuhat si Nadine. Kilala ni Cyndi ang lalaki, si Carlo. Naka-relasyon niya ito dati bago naging sila ni Archie, pero di sila nagtagal.

"Congratulations, baby!" Sabi pa ni Carlo habang iniikot si Nadine habang karga-karga nito.

Dala na rin ng tuwa, hinalikan ni Nadine ang lalaking bumubuhat sa kanya.

"Anything wrong, sweetheart?" Tanong ni Shaun sa natitigilang si Cyndi.

Parang nuon lang napansin ni Cyndi ang katabi. "Shaun, can we postpone our bowling match for later? I suddenly felt this really intense craving for ice cream."

"Seriously?" Gulat na tanong ni Shaun.

"I'm dead serious, Shaun. Please? I'll treat you an ice cream cone." Pinagana na ni Cyndi ang paglalambing para hindi na makatanggi ang boyfriend.

"Alright." Parang wala nang magawa na pumayag si Shaun.

Halos hilahin ni Cyndi ang kasintahan bago pa sila mapansin ni Nadine at ng kasama nito.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon