NAKAPASOK na sa loob ng Lobby Lounge ng EDSA Shangri-La Hotel si Archie. Agad niyang hinanap si Nadine at natiyempuhan niya ito naka-upo sa four seater table na nakapuwesto malapit sa lounge singer sa kumakanta ng mga classical Christmas songs. Unang araw na kasi iyon ng Disyembre at ramdam na ramdam na ang Christmas vibe sa buong metro.

Nakatalikod sa kanya si Nadine kaya hindi siya napansin. Tutok ang atensyon nito sa lounge singer. Maikli na ngayon ang buhok ni Nadine at sa backless na evening dress na suot ng babae ay prominenteng kita ang peacock feather design ng tattoo sa likod nito.

Nakangiting hinawakan ni Archie ang likod ni Nadine. "Sorry. I'm late." Sabi pa ng lalaki saka humalik sa pisngi ng binati.

Bahagyang nagulat si Nadine pero kaagad umaliwalas ang ngiti nang makitang si Archie na pala ang dumating. "'Buti umabot ka pa. Last set na ng kanta nina Reema."

Tumingin si Archie sa naka-set up na stage sa ilalim ng malaking chandelier. Si Reema nga ang kumakanta na very elegant sa suot na formal rose colored sleeveless sequined dress. May nakapulupot pang feather boa kay Reema na katerno ng suot na dress. Kasalukuyang nitong kinakanta ang The Christmas Song ni Nat King Cole habang sinasabayan ng tugtog ng malaking grand piano na nasa likod niya na si Garry naman ang tumitipa sa tiklado. Mayroon pang naka-set up na malaking Christmas Tree sa gilid ng stage kung saan sila nagpe-perform.

Naupo si Archie malapit sa tabi ni Nadine at itinabi muna sa gilid ang hawak na bouquet. May lumapit agad na waiter na inabot ang menu kay Archie. Saglit lang pinasadahan ng lalaki ang menu saka sinabi ni Archie sa waiter na isang Paulaner beer muna ang order niya.

"How's your yoga studio doing?" Tanong ni Archie kay Nadine nang makaalis na ang waiter bitbit ang menu.

"It's doing pretty well." Sagot naman ni Nadine habang sumi-sip sa Bellini cocktail na order niya. "Usually, fully booked 'yung five classes namin every weekend. You should join our beginner class. It will help you relax. Especially with your line of work."

"Sige. Konsultahin ko muna si Reema." Tugon naman ni Archie sa paanyaya ni Nadine. Dumating na ang order ni Archie na German beer at sinimsim niya ang serbesa niya habang pinapanuod ang pagkanta ni Reema.

Nang matapos ang set of songs na kinanta, kaagad na bumaba si Reema sa makeshift stage kasunod si Garry. Lumapit agad si Reema kay Archie. Nagyakap ang dalawa at masuyong naghalikan. Saka inabot ni Archie ang biniling bouquet ng tulips sa singer.

Si Garry naman ay kaya Nadine agad lumapit at tulad nina Archie at Reema ay niyapos din niya ang babae at hinagkan sa labi.

Pagkatapos nito, nakangiting nagtinginan ang apat habang yakap-yakap ang mga kapartner nito.

"Who would have thought this would happen." Sabi ni Nadine na sinundan naman ng tawanan nilang apat.

Dumating ulit ang waiter sa table nila para kunin ang kanilang mga orders at tuloy-tuloy na ang naging palitan ng kuwento nina Nadine, Garry, Reema at Archie sa mga plano nilang gawin sa nalalapit na Pasko. Sa sobrang sarap ng kuwentuhan nila habang masaganang kumakain at umiinom ng kanilang alcoholic beverages ay muntikan na silang abutan ng pagsasara ng lounge bar ng hotel.

(February 12, 2011 - October 9, 2020)

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon