NAGKAKAGULO ngayon sa bahay nina Archie dahil naisipang bumili ng Papa niya ng Dance Dance Revolution Xbox. Kasalukuyang tina-try nina Archie at Biboy ang game at halos magkandabuhol ang mga paa ni Archie kakasunod sa arrow instructions na lumalabas sa screen samantalang si Biboy ay bihasang bihasa na walang mintis ang mga paa sa dance foam mats.

Nang matapos ang round nina Archie ay hinila nila ni Biboy ang Mama Celine at Papa Jun nila para ito naman ang mag-try ng laro. Pareho pang umaayaw sina Jun at Celine at sinasabi pang masyado na silang matanda para sa ganitong game pero nang sinimulan na ay halatang-halata ang enjoyment sa dalawa habang naglalaro.

Medyo hapong umupo si Archie sa bean sofa habang pinapanuod ang mga paryentes. Saglit niyang kinuha ang cellphone niya at nag-check ng newsfeed niya sa Facebook. Bumungad agad sa kanya ang bagong palit na profile picture ni Cyndi kasama ang bago nitong dine-date na si Shaun. Parehong nakasuot ng kulay navy blue na Lacoste shirts ang dalawa at hawak nilang pareho at nakapuwesto sa pagitan nila ang dachshund na si Oreo. Sa background makikita ang view ng Taal Lake.

"At Taal Vista Hotel with my loves." Sabi pa ng caption ni Cyndi sa kaka-upload na profile picture na marami na ang nagla-like at nagko-comment.

Ni-lock ni Archie ang phone at nilapag ulit sa mesang malapit sa inuupuang bean bag. Biglang sumagi sa isip niya ulit si Nadine. Kahit nakatingin sa mga magulang niyang naglalaro pa rin ng Dance Dance Revolution ay hindi sila ang nakikita ni Archie kung hindi ang ibang-iba nang hitsura ni Nadine. Ang magandang mukha nito na lalo pang na-enhance ng make-up. Ang wavy nitong buhok na mas lalong bumagay sa kanya. Ang sexy yet classy nitong pananamit na bumagay sa petite na pigura ng dalaga. Hindi mapigilang hindi mangiti ni Archie.

Kailangang magkausap silang muli ni Nadine.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon