NUNG Sabado ng linggo ring iyon ay may naka-scheduled na meeting ang praesidium nina Mildred sa parokya. Inaayos ni Mildred kasama ang iba pang miyembro ang altar ng birheng Maria nang lapitan siya ni Daisy.
"Mildred, istorbohin lang kita sandali." Bulong nito kay Mildred.
"Ikaw muna magtuloy nito, Elsa." Inabot ni Mildred ang mga hawak na malalaking puti at pink na rosas na nilalagay niya sa plorera sa kasamahan at nagpahila kay Daisy papunta sa isang sulok ng meeting room, malayo sa ibang kasamahan.
"Ano ba 'yang sasabihin mo at ayaw mo pang iparinig sa iba." Tanong agad ni Mildred nang makalayo sila.
"Hindi ko pa nakuwento sa 'yo pero nahuli ang anak ko kahapon, may kalampungang babae sa kotse niya. Nahuli sila ng guard na nagpa-patrol sa UP." Pasakalye muna ni Daisy. "At yung babaeng kasama ng anak ko si Nadine, yung daughter mo."
Natigilan saglit si Mildred bago makasagot. "Imposible. Hindi magagawa ng anak ko 'yun."
"Nakita ko siya ng personal, Mildred dahil ako mismo ang sumundo sa anak ko sa police station sa UP kagabi. Nakita ko duon si Nadine kasama ni Gerard, tapos sinundo pa siya ng tito 'yata niya." Paliwanag ni Daisy.
Hindi alam ni Mildred kung ano ang sasabihin.
"Tingnan mo 'to." Dinukot ni Daisy ang cellphone sa shoulder bag na dala nito. Hinanap ang Facebook page ng burger joint kung saan pumuna sina Nadine at Gerard kagabi at ipinakita kay Mildred ang mga naka-upload na larawan sa page, may kuha duon na katabi ni Nadine si Gerard habang ipinagmamalaki nitong pinapakita ang napanalunang cheque na prize at ang plaque sa burger challenge.
"Hindi 'yan si Nadine. Hindi 'yun nagsusuot ng ganyang ka-sexy na damit." Pagkakaila ni Mildred.
"Nakikita na nga ng dalawang mata mo, idi-deny mo pa." Pagalit na sabi ni Daisy kay Mildred.
Sasagutin sana ni Mildred ang galit ng kasamahan pero nagsalita ulit ito. "May nakita pa ako. Na-Bluetooth sa akin ng daughter ko naman, kumalat daw itong video recently lang daw." At binuksan ni Daisy mula sa kanyang video gallery ang nasabing video.
At bumulaga sa mga mata ni Mildred ang video na siyang naging mitsa ng mga pagbabagong ginagawa ni Nadine sa sarili.
Tuluyan nang naluha si Mildred habang pinapanuod mula sa cellphone ni Daisy ang ginagawang pagtatalik nina Archie at Nadine.
"Dinoktor 'yan! Hindi magagawa ng anak ko 'yan. May gusto lang sumabotahe sa anak ko." Sabi ni Mildred na para bang sa pagtanggi niya ay kusang mawawala ang imahe ni Nadine sa video na pinapanuod.
"Mildred, tanggapin mo na lang kase 'yang nakikita mo. Baka hindi mo pa alam na usap-usapan na daw sa school nila na sobrang flirt yang si Nadine at masyadong easy to get." Parang nasisiyahan pa si Daisy sa nakikitang gulat na reaksyon ni Mildred. "Halika, pag-pray natin siya kay Mama Mary. She needs intercession. Baka magbago pa siya."
Hinakawan ni Daisy si Mildred para yayain palapit sa altar pero marahas iyong pinalis ni Mildred.
Galit na galit na tinitigan ni Mildred si Daisy. "Huwag mo ngang husgahan ang anak ko. Hindi mo siya kilala. Ako ang nanay. I know here better than anyone else!"
Pagkasabi niyon, agad na tumalikod si Mildred at lumabas sa meeting room. Nagbulungan naman ang mga kasamahan nila sa praesidium ng Legion of Mary sa nasaksihang sagutan ng dalawa. Kahit napapahiya, kibit-balikat na lumapit sa altar ng birhen si Daisy at tumulong sa pag-aayos sa damit ng rebulto ng birhen.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
Storie d'amoreLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...