MABAGAL ang daloy ng trapiko sa C5 kaya kung anu-ano nang napagkuwentuhan nina Nadine at George habang nasa loob ng sasakyan.

"Ang Mama mo talaga! Kahit kelan mainit ang dugo sa 'kin. As if I am the bane of her existence." Komento ni George sa pakitungo sa kanya ng kapatid habang nagmamaneho sila.

"Baka naman hindi ka pa niya tanggap." Sabi naman ni Nadine na nakaupo sa passenger side ng sasakyan.

Sinimangutan ni George ang pamangkin. "Naku! Sapatusin ko siya ng Ferragamo kong shoes eh! Inggitera kase siya. Ako kase I'm having the time of my life. Eh, siya? Mula kase ng iniwan siya ng Papa Alfred mo, naging frigid na. Wala kaseng sex life. Puro sa mga kasamahan niya sa Legion Of Mary nakikihalubilo."

Natutop ni George ang sariling bibig at nag-aalalang napatingin sa kanya. "Na-offended na ba kita, my dear niece? Pasensiya na, ha?"

Nakangiting umiling si Nadine. "No. It's okay."

"Anyway,:" pagbabago ni George ng topic nang ibalik ang tingin ulit sa daan. "Punta muna tayo sa Bonifacio High Street. Nag-text na kasi sa akin si Luke. Andu'n na daw siya. Kain muna tayo ng dinner."

"Tito, siya ba 'yung..." Ibinitin pa ni Nadine ang sasabihin.

"My beau." Sabay napahagikhik pa si George na parang kinikilig. "We've been together for almost a year now. Would you believe?"

Nang muli silang huminto sa stoplight sa may Kapasigan ay naisipang magpatugtog ng songs sa DVD player ni George. "Mag-play muna tayo ng songs para hindi nakakainip."

At nagsimula nang tumugtog ang kantang Somebody ng bandang The Rembrandts.

"It's our theme song." Pagmamalaki pang sabi ni George.

Nakatawa naman si Nadine habang pinapakinggan ang kanta.

Hindi naman napigilan ni George na sabayan ng malakas ang kanta kahit wala sa tono ang boses. At tinuloy-tuloy na nito ang pagsabay sa kanta hanggang makarating sila sa Taguig.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon