PUMAYAG si Nadine na makipag-usap kay Archie. Ngunit ayaw niya na sa school sila mag-usap. Nagsuhestiyon si Archie kung puwede sa bahay niya sila magtungo pero tumanggi si Nadine. Gusto sana niya sa isang pribadong lugar sila magpunta. Nang mapagkasunduan nila kung saan sila magkikita nang gabing 'yon, nagpaalam na si Nadine na uuwi muna sa condo ng Tito George niya para makapag-shower saglit at makapagbihis dahil wala siyang dalang pamalit sa nabasang damit sa locker niya sa school.

Mag-a-ala sais ng gabi, nasa Metrowalk ulit si Nadine. Nasa loob siya ulit ng sex toys store at nangingilatis ng mga bibilhin. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na sinusundan siya ng tingin ng guwapong staff sa counter ng shop at mukhang namumukhaan siya. Pero pinalis niya ang pagkailang. Kagaya ng dati nuong unang nagpunta siya dito, bumili siya ulit ng handcuffs, bondage rope, blindfold mask at flogger whip.

Nang-aakit ang tingin ng staff kay Nadine nang bumalik siya sa counter bitbit sa isang maliit na shopping basket ang mga napili. Napansin din ni Nadine na panay ang basa ng lalaki sa labi nito habang ini-scan ang mga items niyang bibilhin.

Matapos bayaran ni Nadine ang mga sex toy fetishes na binili gamit ang credit card at kukunin na ang shopping bag ng mga pinamili ay biglang hinila ng lalaki ang shopping bag palayo sa kamay niyang hahawak sana dito.

Gulat na napatingin si Nadine sa lalaki. Seductive namang nakangisi ang lalaki habang nakatingin sa mukha ni Nadine.

"I hope the next time you buy these, you'll use it with me, baby." Sabi nang lalaki na mahina pang humagikhik.

Hindi agad nakasagot si Nadine. Halatang tinablan sa pang-aakit ng lalaki.

Saka naman tumunog ang cellphone ni Nadine. Dinukot niya ito mula sa dalang bag at kaagad na sinagot ang tawag. "Archie? Nasa parking ka na? Sige, puntahan kita d'yan."

Kaagad kinuha ni Nadine ang shopping bag na pinamili mula sa kamay ng lalaki. "Thanks." Sabi niya at kaagad na lumabas ng sex toy store habang kausap si Archie sa phone.

Sinundan ng tingin ng lalaki si Nadine at nang makalabas na ng shop ay nakangisi itong napailing.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon