SI NADINE naman kasama ang Mama niya at ang iba pang miyembro ng Legion Of Mary. Nakaupo sila ngayon sa harap ng malaking grotto kung saan nakalagak ang imahe ng Birheng Maria sa hardin ng bahay nila at kasalukuyang inuusal ang misteryo ng panalangin at ang credo ng mga apostol.
Naramdaman ni Nadine na nag-buzz ang phone niyang naka-silent sa blusa ng suot na palda. Habang hawak ang rosaryo sa isang kamay, dinukot ni Nadine ang phone at tiningnan kung sino ang nag-text.
"I'll drop by at around 5PM on Friday. Be ready by then. C yah!" Galing ang text sa kanyang Tito George.
Nakita ni Mildred na hindi na sumusunod sa pagrorosaryo si Nadine. Hinawakan niya ito sa balikat at mahinang sinita. "Mamaya mo na basahin 'yan."
Kaagad naman ni-lock ni Nadine ang phone at itinago ulit sa bulsa ng kanyang palda saka itinuloy ang pag-usal ng dasal. Pero 'di pa ring mapigilan ni Nadine ang mapangiti dahil tutuparin ng Tito George niya ang favor na hiniling niya.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...