MAY ISINASAGAWANG book fair ngayon sa Saint Therese. Iba't-ibang publishers at mga bookstore owners na may kanya-kanyang booths ang nakapuwesto sa tree lined campus ng university. Bukod dito may mga booths din ng mga nagtitinda ng iba't-ibang snacks at drinks. Maraming mga estudyante at mga teachers ang naglilibut-libot sa mga booths. Kabilang dito si Nadine. Abala si Nadine sa pagtingin ng mga nakahilerang libro ni Mitch Albom at binabasa ang blurbs sa likod ng isang trade paperback kaya hindi niya napansin si Gio na papalapit sa kanya. Halata sa maririing hakbang ni Gio ang tinitimping galit. Kaya labis na nabigla si Nadine na bigla siyang hawakan ng madiin sa braso ni Gio.

"Bakit mo ginawa sa akin 'yun, Nadine? Ginawa mo akong laughing stock sa buong campus!" Nagngingitngit na akusa ni Gio.

Napatingin si Nadine sa kamay na nakahawak sa kanyang braso bago diretsong tiningnan si Gio sa mga mata. "Tanggalin mo 'yang kamay mo."

"Alam mo, dapat dahil kita sa office ni Dean Katigbak nang ma-expell ka sa panggagago mo sa akin." Galit nang pagbabanta ni Gio.

"Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan, Gio. Baka nakalimutan mo, umamin ka na sa akin na ikaw ang naunang nagpakalat ng video namin ni Archie. Kaya kung gusto mo akong isumbong kay Dean, isusumbong din kita. Kaya alisin mo na 'yang kamay mo sa akin bago pa ako sumigaw dito." Hindi nagpatinag na nagbanta din si Nadine.

Nag-aagaw ang loob na binitawan ni Gio ang braso ni Nadine. "You slut!" Nagpipigil ng poot na sabi ni Gio sa babae.

Nakakalokong nginitian ni Nadine si Gio. "Kesa naman sa 'yo, talunan. I pity you, Gio."

Dahil nakatuon ang atensyon ni Nadine kay Gio, hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang current niyang ka-date na si Lance. "Am I missing something?" Usisang tanong nito.

Nakangiting bumaling si Nadine kay Lance, nabura agad ang galit na nasa mukha kanina nuong tinitingnan si Gio. "Lance! And'yan ka na pala! Did you find what you're looking for?"

Excited na itinaas ni Lance ang mga pinamiling Amazing Spider-Man at Uncanny X-Men na comics. "Actually, may nakita pa akong ibang comics na gusto ko sanang bilhin. Pero baka magalaw ko na 'yung allowance ko this week. My Dad will kill me if that happens."

Napatingin si Lance kay Gio na alanganin nakatayo malapit sa kanila at masama pa ring nakatingin kay Nadine.

"Anong problema nito?" Tanong nito sabay turo kay Gio.

Tiningnan din ni Nadine ng masama si Gio saka nakangiting bumaling ulit kay Lance. "Wag mo na lang pansinin. Hindi naman importante 'yan. Punta na lang tayo du'n sa stall ng Serenitea. Bili tayo ng wintermelon tea."

Kaagad binawi ni Lance ang tingin kay Gio at ngumiti rin kay Nadine. "Libre mo?" Pang-aasar na tanong nito.

"Kapal! Hindi mo pa nga ako nalilibre pa eh. Now is your chance." At malambing na humawak si Nadine sa braso ni Lance at naglakad na sila papunta sa milk tea stall. Nakalimutan na agad si Gio.

Bagot na sinundan ni Gio ng tingin ang dalawa at lumakad na rin palayo sa kabilang direksyon.

Ang hindi nila alam, natanaw ni Reema ang eksena nina Nadine at Gio kanina mula sa ikalawang palapag ng building. Katatapos lang ng Social Studies class ni Reema nang naisip niyang tumanaw na floor to ceiling window para tingnan ang activity sa book fair nang tiyempong makita niya ang kumprontasyon nina Nadine at Gio. Kahit hindi narinig ni Reema ang actual na pag-uusap ng dalawa, sigurado siyang may kinalaman ito sa kalat na ngayong scandalous picture ni Gio online.

Nagulat tuloy siya nang biglang umakbay si Garry sa kanya nang tabihan siya sa may bintana. "Gusto mong tumingin d'yan?" Tanong ni Garry sabay nguso sa mga booths sa baba. "Samahan kita."

"'Wag na." Sabi ni Reema sabay palis sa pagkakaakbay ni Garry sa kanya. "Punta na tayo sa Music Club. Kakausapin daw tayo ni Mikko para sa selections ng songs na kakantahin natin sa Halloween Ball."

At umalis na sa harap ng bintana si Reema at nagsimula nang maglakad. Sumabay kaagad sa kanya si Garry.

"Ayaw mo talagang inaakbayan ka, 'no?" Tanong ni Garry.

"Feeling ko kase para akong hanger na sinasabitan ng damit kaya tigilan mo na 'yang pag-akbay sa akin." Mataray na sagot naman ni Reema.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon