TAHIMIK lang si Nadine habang nakaupo sa loob ng kotse ni Gio. Pirmihang nakatingin lang sa mga kamay nitong nakapatong sa mga binti niya. Si Gio naman halatang bugnot na naman sa paghihintay kay Reema kaya't napapadalas ang hithit nito sa Marlboro Lights. In full blast naman sa stereo ang kanta ng bandang Foster The People na "Pump Up Kicks".
"Gio, tigilan mo na nga yang paninigarilyo. Masyadong masangsang sa pang-amoy ko." Malumanay na sabi ni Nadine, halatang tinatantiya ang pagkainis ng katabi.
Hindi pa rin tinigil ni Gio ang paninigarilyo. Nabugahan pa ng usok si Nadine nang bumaling ito sa kanya. "Ang tagal naman ng kaibigan mo! Kanina pa tayo nag-aantay dito, ah?" Parang naninisi pa na sabi nito.
Gamit ang kamay na pinaypayan muna ni Nadine ang usok na sumaboy sa mukha niya bago nagsalita, "Padating na 'yun. Habaan mo pa konti 'yung pisi mo. Naghintay ka na rin lang."
"Damn it!" Inihagis ni Gio ang papaubos na sigarilyo sa bukas na bintana sa gawi niya saka hinawakan ang dalawang kamay sa manibela na parang nagpipigil. "'Di na lang sana ako pumayag na hintayin yang bestfriend mo. By this time siguro, nasa bahay na tayong dalawa..."
Binara agad ni Nadine ang di nakumpletong paglilitanya ng ka-date. "Para namang sasama ako sa 'yo sa bahay mo! Ang agreement lang natin manunuod lang tayo ng school program tapos ihahatid mo na ako pauwi. Saka lagot ka sa Mama ko pag hindi mo ko inuwi agad."
Bumuntong-hininga ng malakas si Gio saka bumaling ulit kay Nadine. Malamlam na ngayon ang mga mata. "Hindi pa naman yata dadating 'yung kaibigan mo. Baka naman puwedeng pagbigyan mo ako ng isang kiss." At nilapit na ni Gio ang katawan sa katabi.
Naalarma agad si Nadine. "Gio, casual date lang ito. Hindi mo pa ako girlfriend para pumayag ako sa gusto mo."
Itinulak ni Nadine si Gio pero ayaw magpatinag ng binata.
"Duon na rin naman papunta yun eh. Saka hindi ka naman siguro papayag na makipag-date sa kin kung wala kang feelings din sa akin, di ba?" Hinaltak na ni Gio si Nadine papalapit sa kanya.
"Then you're mistaken!" Nagpupumiglas na si Nadine. "Gio, please, masakit na yung hawak mo sa akin."
Bigla siyang isinalya ni Gio sa upuan at malakas na sinampal sa pisngi. Natigagal naman si Nadine sa ginawa sa kanya.
"Sobrang arte mo! Ayaw mo pang pumayag eh gusto mo rin naman." Saka niya puwersahang niyapos si Nadine at buong pangaangkin na hinalikan ang pisngi, bibig at leeg ng pobreng dalaga.
Nagsisigaw, pinagbabayo ng kamao at pinagkakalmot sa mukha ang lalaki pero walang magawa si Nadine sa marahas na pamamaraang ginagawa sa kanya. Impit na hikbi lang ang nagawa ni Nadine nang marinig niya ang pagpunit ng tela ng hiklasin ni Gio ang harapan ng kanyang blusa.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...