PAPALAPIT pa lang kotse ni Archie sa bahay nina Nadine nang pigilan siya ng dalaga.

"Archie, sandali lang." Napahawak pa si Nadine sa braso ng katabi.

Itinigil naman agad ng lalaki ang sasakyan saka tiningnan si Nadine. "May problema ba? May naiwan ka ba sa school?"

Umiling naman si Nadine. "Hindi ko yata kayang umuwi. Ayokong salubungin ang galit ng Mama ko pag nalaman niyang ginawa sa akin ni Gio." Awtomatikong napahawak ulit sa harapan ng suot na blusa si Nadine.

"Bakit siya magagalit sa 'yo? Si Gio ang nang-agrabyado sa 'yo. Siya ang dapat makatanggap ng masasakit na salita mula sa Mama mo. On second thought, dapat malaman ng Mama mo 'yung nangyari sa 'yo. She could file a complain against that ass..."

"Basta, Archie." Pinutol ni Nadine ang paglilitanya ni Archie. "It's too complicated. Marami nang pinoproblema si Mama, ayokong dumagdag pa ako."

Napabuntong-hininga na malalim si Archie habang nag-iisip ng gagawin. Tumingin ito sa relong nakasuot sa kaliwang bisig. "Nine o'clock na pala. Hindi pa tayo nagdi-dinner. Gusto mo ba kumain muna tayo?"

Nakangiting tumango na ngayon si Nadine. "Kanina pa nga ako nagugutom, eh."

Nakangiti na ring minaniobra ni Archie ang sasakyan palayo sa bahay nina Nadine.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon