GAYA ng inaasahan, hindi iilan ang mga estudyante ang tumitingin sa kanya habang naglalakad siya sa campus. May mga nagbubulungan kapag nakikita siya. May mga umiirap pag nakakasalubong siya. May mga lalaking may halong pagnanasa kung makatingin. May narinig pa siyang pumuswit. Halos magtatakbo siya patungo sa kanyang classroom at nakahalukipkip ang bag at mga dalang books sa harap niya na parang nais ikubli ang katawan niya bagamat may suot-suot naman siyang damit.

Wala ring ipinagkaiba ang sitwasyon sa loob ng klase niya. Pagkapasok pa lang niya sa classroom for English Lit, nakita niyang marami sa mga kaklase ang napatingin sa kanya at nagbubulungan. Pinili niyang umupo sa sulok sa bandang likuran malapit sa bintana at iginawi niya ang tingin sa labas. Sa mga sandaling iyon, nais na niyang lumubog sa kinauupuan.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon