SI REEMA naman nasa bahay nina Chuck para i-celebrate ang 21st birthday nito. Kasalukuyang kinakantahan ng mga ka-band mates si Chuck bago nito hipan ang kandila ng chocolate cake na binili nila para dito. Matapos ang kantahan at hipan ni Chuck ang kandila ng cake niya, biglang may nagpahid ng icing ng cake sa mukha ni Chuck. Duon na nagsimula ang nakakatuwang 'rambol' ng banda. Batuhan ng pagkain. May nag-i-spray pa ng whipped cream. Meron pang naglabas ng isang tray ng itlog at ginawa iyong pambato.

Pero si Reema hindi nakikigulo. Nakaupo lang siya sa pasamano ng bintana habang tinatanaw ang bilog na bilog na buwan na pinalilibutan ng ilang mga bituin at mga kalat-kalat na ulap.

Iniinom niya ang beer na nasa can ng lumapit sa kanya si Garry. May hawak ring beer. "Tahimik mo diyan." Siniko pa ni Garry si Reema. "Join ka naman sa happening."

"Saka na. Pag dumating na 'yung delivery na pizza ni Chuck saka ako makikigulo sa inyo." Tugon naman ni Reema sabay inom ulit ng hawak na beer.

"Bahala ka." Biglang inilabas ni Garry ang nakatagong whipped cream spray sa isang kamay nito at ini-sprayan si Reema sa buhok.

Resulta, naghabulan sa salas ang dalawa. Binubuhusan ni Reema si Garry ng natitirang laman ng beer na iniinom at tatawa-tawang umiiwas sa kanya ang lalaki habang tumatakbo.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon