NAGULAT si Nadine nang pagsara niya ng pintuan ng locker niya ay makita si Gio na nakatayo sa tabi niya.

"Kailangan kitang kausapin, Nadine." Seryosong sabi nito.

Tumalim agad ang tingin ni Nadine sa kaharap. "Sa tingin mo pagkatapos nung nangyari sa ating dalawa papayag pa akong makipag-usap sa 'yo? Save your breath. Magsasayang ka lang ng oras."

Kinandado na ni Nadine ang locker at lumakad palayo kay Gio. Pero hindi nagpatinag ang lalaki at kaagad na sumunod sa kanya.

"Nadine, I know I was harsh to you that night and I'm sorry." Sabi nito habang sinasabayan sa paglalakad ang dalaga.

"A simple sorry will not magically erase what you did to me, Gio." Malamig na sabi ni Nadine. Hindi tinitingnan ang lalaking humahabol ng lakad sa kanya.

"Kung pakikinggan mo lang kasi ang explanation ko." At hinawakan ni Gio sa braso si Nadine. Pero kaagad itong hinatak ng babae sabay sampal sa pisngi ni Gio.

"Ang kapal ng mukha mong humarap sa akin ng parang walang nangyari. Don't push it, Gio. Or else sasabihin ko kay Mama ang ginawa mo at siguradong magsasampa siya ng kaso sa 'yo!" Nangingilid na ang luha sa inis si Nadine.

Galit na ring hinarap siya ni Gio. "Pag ako ang gumawa galit na galit ka! Kulang na lang isumpa mo ako. Pero pag si Archie ang gumawa nun sa 'yo. Okay lang. Bukas palad mo pang tatanggapin!"

Nanlaki ang mga mata ni Nadine. "What are you saying...?"

"Hindi mo pa ba alam? Kalat na dito sa campus. Kina Archie ka nagpalipas ng gabi after our altercation. Ide-deny mo ba na hindi totoo 'yun?" Bahagyang lumapit si Gio kay Nadine at halos binulong ang kasunod nitong sinabi. "Ide-deny mo na walang nangyari sa inyo ni Archie sa loob ng kuwarto niya?"

Itinulak niya si Gio palayo sa kanya. "Get away from me!"

Hindi pa nakakalakad palayo kay Gio si Nadine nang makita niyang lumalabas ng classroom si Archie kasabay ang iba pang mga estudyante. Nakaakbay si Archie kay Cyndi habang lumalabas ng kuwarto. May nakatapal pang gauze ang wrist ng babae kung saan ito naglaslas.

Pagkalabas ng kuwarto ay hinarap ni Archie si Cyndi at masuyo itong hinalikan sa mga labi. Gumanti naman ng halik si Cyndi sabay kawit pa ng mga bisig nito sa leeg ng lalaki.

"Show off!" May estudyante kasabay na lumabas ng classroom ang sumigaw sa dalawa pero walang pakialam ang dalawa.

Tulalang nakatingin lang si Nadine. Hindi makapaniwala sa mga nasasaksihan.

Nang kumalas si Archie sa paghalik kay Cyndi saka nito napansin sina Nadine at Gio na nakatayo malapit sa kanila. Kaagad sumeryoso ang mukha nito.

Napatingin na rin si Cyndi nang makitang may tinitingnan sa pasilyo si Archie. Nang makita niya si Nadine ay tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, puno ng pagkadiskumpyansa ang mukha.

Inakbayan na ni Archie si Cyndi at sabay silang tumalikod at lumakad palayo kina Nadine at Gio.

Hindi mapigilang maiyak ni Nadine, tumakbo ito pasalungat sa dalawa pero nahawakan siya ni Gio at niyapos.

"Nakita mo na? Kinalimutan ka na ni Archie." Sabi ni Gio kahit nagpupumiglas si Nadine. "Just me a chance, Nadine. Kaya ko lang naman nagawa 'yun sa yo dahil gustong-gusto kita."

Hinataw ni Nadine si Gio ng dalang bag. Bumitaw naman sa kanyang hawak si Gio.

Basa ng mga luhang tinitingan ni Nadine si Gio. "Huwag na huwag ka na uling lalapit sa 'kin." Saka naiiyak ulit na tumakbong palayo.

Masamang sinundan ng tingin ni Gio ang tumatakbong dalaga. Saka nito kinuha ang cellphone na nakatago sa bulsa ng pantalon. May hinanap na file sa cellphone at lumitaw sa screen ang video kuha niya habang nagtatalik sina Archie at Nadine sa kuwarto ng lalaki. Malinaw ang kuha at kitang-kita ang profile nina Archie at Nadine sa video.

Hindi ko gustong gawin ito, Nadine. But you left me with no other choice.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon