NUNG gabi ding 'yon tinawagan ni Reema si Nadine para kumbinsihin itong makipag-usap na kay Archie.
"Tinawagan mo ako para lang d'yan, Reema." Hindi maiwasang mainis a sabi ni Nadine. Nakaupo siya sa study table sa loob ng kuwarto habang pinapasadahan ng tingin ang latest issue ng Cosmopolitan magazine.
Si Reema naman nakadapa sa kama ng kuwarto nito, naka-powder blue na pajamas na may sheep designs, may katabing pint ng Ben & Jerry's ice cream at nanunuod ng How I Meet Your Mother sa TV habang kausap si Nadine.
"Mukha naman siyang sincere, Nadine. Biruin mo, hindi naman 'yun lalapit sa akin kung hindi siya pursigido, di ba?" Sabi ni Reema sabay subo ng kinutsarang ice cream at hagikhik sa pinapanuod. Ang eksena kasi ngayon sa sitcom na parehong nakasuot ng robe sina Barney at Ted habang pinapasunod ni Barney ng 'broath' si Ted.
"Bakit ka naman natawa d'yan?" Kunot-noong tanong ni Nadine.
"Wala. Nakakatawa kasi 'yung eksena ngayon sa How I Meet Your Mother. Manuod ka kasi ng mga ganito nang mag-loosen up ka naman. Hindi puro mga sex tips sa magazines ang binabasa mo." Pinangaralan na ni Reema ang kaibigan.
Si Nadine naman parang napahiyang sinara ang binabasa niyang article on sexual positions sa magazine.
Bumilang ang ilang sandal bago muling nagsalita si Nadine. "Have you talked to Gio na ba?" Patungkol ito sa huling pag-uusap nila kung kakausapin ni Reema si Gio tungkol sa kumalat na scandalous photo nito.
"Hindi ko na naman kailangan kumpirmahin kay Gio. Alam ko na naman ang sagot." Tugon ni Reema habang tuloy sa pagkain ng ice cream.
"Sira ka, Reema. Wala naman akong inaamin sa 'yo." Inis na sabi ni Nadine.
"You don't have to say anything, Nadine. I just know. Don't worry. I won't spill your beans. Pero don't you ever think I'm condoning it." Sagot ni Reema habang pinupunasan ang tissue ang bibig at pirmihang nakatutok ang tingin sa pinapanuod.
"Sige na, Reema. Late na eh. Maaga pa ang pasok ko bukas." Paalam na ni Nadine at pipindutin na ang end call sa phone nang pigilan siya ng kaibigan.
"Teka lang, Nadine. Hindi ka pa nga sumasagot du'n sa tinawag ko sa 'yo. Makikipag-meet ka ba kay Archie o hindi?" Tanong ulit ni Reema dito.
Tumingin sa bintana sa loob ng kuwarto si Nadine at tinanaw ang bilog na buwan habang pinag-iisipan ang isasagot.
---------------
NASA kuwarto rin si Archie nang gabing iyon. Nagsasagot siya ng mga algebra exercises sa Math workbook habang tumutugtog nila sa Bose speaker dock ang kantang Walk ng Foo Fighters mula sa playlists ng nakapatong sa speaker na iPod niya.
Natigil siya sa pagsagot ng exercises nang marinig ang incoming message sa phone niya. Galing kay Reema ang text message.
Magkahalong-kaba at excitement na binasa ni Archie ang text message.
"Hello, Archie! Already talked to Nadine. She agreed to meet with you. Just dropped by at her English Lit class tomorrow at Room XLV-54. The class will end at 4PM. It will be her last class for the day."
Hindi mapigilan mangiti ni Archie sa nabasa. Eto na ang pagkakataon niya na iparamdam ng lubos kay Nadine na mahalaga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...