MAINGAT na inupo si Archie sa wheelchair ng mga medical staff at itinulak papunta sa ambulansyang nakaparada sa harap ng function room. Naiiyak na sumunod si Nadine na kaagapay ngayon ni Reema kay Archie. Kasama din niyang sumunod si Dean Renata Katigbak at karamihan sa mga estudyante.

"Dean, natawagan n'yo na ba sina Mom and Dad?" Tanong ni Archie nang maisakay na siya sa back cabin ng ambulance. May nakasapo siyang cloth na pang-compress sa likod para sa sugat.

Tumango naman si Dean. "They're on their way. Baka nga mauna pa sila sa 'yo sa hospital."

Tumingin naman si Archie kay Nadine na hindi pa rin mapigil sa pag-iyak habang inaalo ito ni Reema.

Nginitian ni Archie ang dalaga para kahit papa'no ay kumalma ito. "I'll be fine. Promise."

Nangingilid ang luhang tumango lang si Nadine. Hindi makapagsalita dala na rin ng pagkabigla sa mga nangyari at nararamdamang emosyon.

Isinara na ng mga medical staff ang pintuan ng ambulansiya at pinailaw na ang blinker lights ng sasakyan habang umaandar palayo sa university grounds.

Naiiyak pa rin na yumakap si Nadine kay Reema. Duon niya napansin ang nakaparadang police mobile sa may harapan ng function room at ine-eskortehan ng dalawang pulis si Gio pasakay ng mobile. Docile at kalmado si Gio habang pumapasok ng sasakyan ng pulis. Nakatungo lang ito sa mga naka-posas na kamay at hindi tumitingin sa mga taong umuusyoso sa kanya.

Nang makapasok na ng mobile, nag-angat ng mukha si Gio at nahagip ng tingin si Nadine na nakayakap kay Reema. Pero agad inilayo ni Gio ang tingin at hindi na ulit tumingin kay Nadine ang lalaki hanggang umalis ang police cruiser na kagaya sa ambulansiya ay pinailaw din ang strobe light blinker ng sasakyan habang umaandar palayo sa school grounds.

Narinig na lang nila si Dean Katigbak na sinasabihan ang mga nakapalibot na estudyante na umuwi na at kanselado na ang Halloween Ball. Naging hudyat iyon kay Reema na yayain na rin siyang umuwi na hindi naman niya tinanggihan.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon