EPILOGO: DITO MAGTATAPOS ANG LAHAT

26 0 0
                                    

NASA loob ng sarili niyang glass cubicle office si Archie. Nakabukas sa harap niya ang MacBook dahil kasalukuyan niyang kausap via Skype video call si Louie Manansala, ang CEO ng Valderrama, isang accounting firm sa Ortigas kung saan si Archie naman ang kumakatawan bilang general manager.

"May meeting pala tayo sa Monday with a potential client. Ipaayos mo na lang kay Mandy 'yung PowerPoint slides na ipapakita natin. Malaking kliyente 'to kung sakali. I-highlight mo na lang 'yung mga add-on services natin so we could lure them in. Magaling ka naman du'n." Halatang malaki ang kumpiyansa ng CEO kay Archie.

"Don't worry, Louie. Has my genuinely irresistible charm ever failed you?" Tugon naman ni Archie na sinundan pa ng pagtawa.

Pati si Louie ay nadala sa tawa ng kanyang general manager. "'Yan ang gusto ko sa 'yo, Archie. Sa lakas ng confident mo, walang nakakahindi sa 'yo. By the way, nagyayaya pala sina Neil to maglaro sa Manila Polo Club this Saturday, are you up for it?"

"I would love to join but I have to beg off. I have an uncle flying in from California on Saturday morning and he wants to be shown around. Huling punta niya kasi dito sa Manila I think was seven or eight years ago pa." Nanghihinayang tanggi naman ni Archie.

Agad naman itong naintindihan ni Louie. "It's fine, Archie. Eto din kasing si Neil bigla-bigla na lang nagyayaya. Anyway, you're heading home na, di ba?"

Umaliwalas agad ang mukha ni Archie. "Yes! Can't wait for the weekend to start!" Itinaas pa ni Archie ang dalawang kamay.

"I won't hold you then. Enjoy the weekend, Mate!" Nakangiting nagpaalam na si Louie.

"Sayonara, Mate!" Sumaludo pa si Archie sa kausap bago nadiskonekta ang video call.

Nang isinasara na ni Louie ang laptop ay biglang nag-notification buzzer ang phone niya. Pagtingin niya ay may in-upload pala si Dennis sa Instagram na photo kung saan naka-tag siya at ang iba pa nilang kabarkada sa college.

Series of photos ang in-upload ni Dennis nang Graduation Day nila na ginanap sa La Jota Ampitheater ng University of Saint Therese. May picture pang kasama duon na naka-wacky shot sila nina Dennis, Nathan at Kurt habang kinukuhanan ng camera suot ang kanilang graduation toga.

"#Flashback_Friday Missing my homies!" Sabi ng caption ni Dennis sa in-upload nito.

Nangingiti si Archie habang ibinabalik sa bulsa ang phone. Pinaplano na agad sa isip kung kelan kakausapin sina Dennis para makapag-get together naman sila.

Lumabas na siya sa glass cubicle office niya, sukbit-sukbit sa balikat ang The North Face backpack nang may bumato sa kanya ng basketball. Pero kahit bigla ang pagbato ay nasalo pa rin ni Archie ang bola.

"Iba ka talaga, Boss Archie." Nakangising sabi sa kanya ni Fred na payroll administrator ng kumpanya.

"Nanggulat ka pa, ha?" Nakangiti ring binato pabalik ni Archie ang bola kay Fred.

"Boss, may laro kami mamaya ng payroll d'yan lang sa may court sa Mandaluyong. Sama ka?" Tanong agad ni Fred pagkasalo ng bola.

"Maybe next time, Fred. May lakad ako eh." Sagot naman ni Archie.

"Aba! May ka-date si Boss." Tukso agad ni Fred pero tumawa lang si Archie.

Napadaan si Archie sa hilera ng mga cubicles sa accounts receivables department. Nang makita siya ng isa sa mga specialists na si Shaira, agad itong tumayo sa station nito at lumapit kay Archie.

"Hi, Boss Archie!" Maluwang ang ngiti ni Shaira nang lumapit kay Archie. Palibhasa maganda at sexy na may kasama pang malakas na personalidad kaya kompidante ang bawat kilos nito.

Tumugon din ng ngiti si Archie. "Hey, Shaira! Anything you need?"

"Well, it's officially the weekend." Pasakalye muna ni Shaira. "So, me and the girls, Czarina and Mitch," sabay turo ni Shaira sa dalawang babaing nakaupo malapit sa station niya na nag-aayos na rin ng kaniya-kaniyang gamit at nakangiting nakatingin pareho kay Archie, "are planning to hang-out and have some drinks at Moonshine, 'yung bagong bukas na pub sa Sapphire Road."

Saglit na tiningnan ni Archie sina Czarina at Mitch at kumaway. Halatang kinilig naman ang dalawa.

"Would you like to join us?" Nakangiting imbita ni Shaira kay Archie.

Huminga muna ng malalim si Archie bago sumagot. "I would really like to, Shaira. Kaya lang may prior commitment na kasi ako tonight. So, can you take a raincheck?"

Halatang na-disappoint si Shaira. Nag-pout pa ito. "Ay! Sayang naman."

"Hala! Nagtampo agad." Nakangiting biro ni Archie. "Ganito na lang. Next time na magplano kayo nina Czarina and Mitch, sabihan n'yo ko agad para maayos ko sa schedule ko. And it will be my treat, okay?"

Pero naka-pout pa rin si Shaira na parang walang epekto ang sinabi ni Archie.

Lumapit si Archie kay Shaira at kinalabit ang baba nito. "Ngiti ka na, please?"

Dahil sa gesture na 'yun ni Archie ay hindi na napigilang ngumiti ni Shaira. "Hay naku, Boss Archie! Kung hindi ka lang malakas sa 'kin."

"Peace na tayo, ha? Anyways, I have to go. See you on Monday." At kinawayan pa ni Archie sina Czarina at Mitch bago tuluyang lumabas sa opisina.

Parang mga bubuyog naman na lumapit sina Czarina at Mitch kay Shaira.

"Sinadya mo talagang magpa-cute para pansinin ka ni Boss, 'no?" Bintang agad ni Czarina kay Shaira.

"Ang kiri mo rin!" Sabi naman ni Mitch pero nakatawa na halatang binibiro lang si Shaira. "Pag nalaman 'to ng boyfriend mo, magtatampo 'yun sa 'yo."

Pinandilatan ni Shaira ang dalawa. "Grabe kayo sa 'kin. Tamang flirt lang naman ginagawa ko. Saka, porke't ba may boyfriend 'di na puwedeng magka-crush?"

Lumapit naman si Fred na kanina pa naririnig ang eksena nila kay Archie. "Hindi kayo papansinin ni Boss. Taken na 'yun eh. 'Buti pa, manuod na lang kayo ng laro namin sa payroll. Cheer n'yo kami para ganahan kaming maglaro." Sabi pa ni Fred habang inihahagis at sinasalo ang bola gamit ang isang kamay.

Kumuha naman ng mamerang piso si Shaira sa coin purse niyang nasa station at isinilid iyon sa bulsa ng suot na long sleeved shirt ni Fred. "There you go, Fred. Go buy yourself someone to talk with."

Nagtatawanan pa sina Shaira at ang dalawa nitong kaibigan habang lumabas na rin ng opisina.

Inangilan na lang ni Fred ang mga ito. "Magiging crush n'yo rin ako balang araw."

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon